Chapter 2

747 33 0
                                    

Chapter 2

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Agad na lumabas ng kotse si Kuya Arvin at ganon din ako.

Napahinga nalang ako ng malalim ng nauna siyang maglakad papasok ng hindi man lang ako nililingon.

I don't hate you. I just don't like you being my sister.

Pinahid ko ang luhang kumawala sa pisngi ko ng maalala ang sinabi niya. Ayaw niya sa akin bilang kapatid.

At hindi ko matanggap yon. Dati naman lagi niyang sinasabi na mahal niya ako at masaya siya na pinanganak ako bilang kapatid niya. Pero ngayon , iba ang sinasabi niya.

Pumasok na ako sa bahay at agad sinalubong ng mga kapatid ko.

"How's mall , angel?"tanong ni Kuya Axcel sa akin.

"Nakatayo parin" sagot ko at iniwan sila roon.

"Is she mad?" rinig kong ani Kuya Alvis.

"I don't know? She seem pissed"sagot naman ni Kuya Azrel.

Hindi ko na narinig ang iba nilang usapan ng makalayo na ako sa kanila. Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama.

Napatingin ako sa gilid ng kama ko at nakita ang picture namin ng mga kapatid ko nung bata pa. Nasa gitna nila akong lima habang masayang nakangiti sa harap ng camera.

Nakasuot pa ako nun ng gown at nakayakap sa leeg ni Kuya Arvin. Iyong ang araw ng 6th birthday ko. Closed pa kami ni Kuya Arvin nun. Pero nung 7th birthday ko hindi na siya dumalo. Hindi narin niya ako kinausap.

Akala ko noon dahil busy lang siya sa school. Pero tuwing lalapit ako sa kaniya at kakausapin siya ay lagi niya akong sinisigawan.

Sinasabi niya na wag ko siyang kausapin at istorbohin. Umiyak ako noon at nagtaka. Pati sina Kuya Axcel ay nagtaka rin kung bakit ako tinatrato ng ganon ni Kuya.

Minsan nga nag away away silang lima dahil sa akin. Umiyak kasi ako nuon ng masira ko ng di sinasadya ang project ni Kuya Arvin.

"What the hell did you do!?"malakas niyang sigaw sa akin. Agad namasa ang mata ko sa sigaw niya. Hindi ko naman sinasadya.

"S-sorry Kuya"sabi ko. Pero tinulak niya lang ako kaya napaupo ako sa sahig. Duon na bumuhos ang luha ko at umiyak. Nakita yon nina Kuya Axcel kaya lumapit sila sa amin.

"Anong problema mo Kuya!? Bakit mo siya tinulak!?"sigaw ni Kuya Alvis at tinulak din si Kuya Arvin.

"She's stupid!"sigaw balik ni Kuya Arvin. Lumapit si Kuya Azrel sa kaniya at sinuntok siya.

"Don't call her that! She's our little baby!"sigaw nito. Nagalit si Kuya Arvin kaya sinuntok niya pabalik si Kuya Azrel. Agad namang umawat si Kuya Axcel at Kuya Arcin sa kanilang dalawa pero nasuntok siya ni Kuya Azrel kaya bumawi siya ng suntok  kaya lang ay si Kuya Alvis ang  natamaan. Duon sila nagsimulang magsuntukan.

Naawat lang sila non ng dumating si Mommy at Daddy.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ang katok sa pinto ko. Agad akong lumapit dun at binuksan.

"Dinner is ready , honey"ani Mommy na nakangiti sa akin. Pero ng mapansin niyang hindi ako ngumiti pabalik ay agad niyang hinawakan ang pisngi ko.

"What's wrong , sweety? "Tanong niya.

"Nothing , Mom" sagot ko.

"Come on Ivy. You can tell me. Is it about your Kuya Arvin , again?"she asked.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon