Chapter 14

518 16 0
                                    

Chapter 14

Ilang oras pa kaming nag usap ni Misha bago kami nagdesisyon na bumaba.

Nang makarating kami sa sala ay agad bumungad sa amin ang tawanan at asaran ng mga kapatid ko. Kasama nila ang mga babae nila na nakaupo sa kanilang mga hita.

Napailing nalang ako. Agad dumako ang tingin ko kay Kuya Arvin na katabi si Ava na nakasandal sa balikat niya at nanonood ng tv.

Kumunot ang noo ko ng makaramdam ulit ng konting kurot sa puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa.

What is really happening to me?

Mabilis kong iwinaksi sa isipan ko iyon at ngumiti kay Kuya ng magtama ang paningin namin.

Unlike before he smiled back at me. Samantalang ng makita naman kami ng mga kapatid ko ay agad silang ngumiti.

"Hey there , princess" bati ni kuya Arcin sa akin.

"Our angel is here" Kuya Axcel.

"Sayang hindi ka nakasama kanina , baby girl" ani naman ni Kuya Alvis.

"Oo nga little baby. Ganda pa naman don" said Kuya Azrel.

Ngumiti lang ako sa kanila bago kami lumapit ni Misha. Naupo kami sa bakanteng sofa at nanood ng tv. Ilang sandali pa ay naagaw ang atensiyon namin ni Mommy at Daddy na naglalakad papalapit sa amin habang nakangiti.

"Okay guys listen up! I just want to announce to all of you that I already choose an escort for Ivy's party" ani Mommy. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng mga kapatid ko.

Kunot na noo nila habang nag aabang sa sasabihin ni Mommy.

Tumingin sa akin si Mommy bago ngumiti habang ngumiti naman ako sa kaniya pabalik.

"Her escort will going to be Jerson Labrador—"

"NO WAY!!!"napatakip ako sa tenga ko ng sabay sabay na sumigaw ang mga kapatid ko. Mas lalo lang lumawak ang ngiti ni Mommy.

"Yes"

"No! Hindi kami papayag!"mariing tutol ni Kuya Axcel.

"Hindi magiging escort ang gagong Labrador nayon!"ani naman ni Kuya Arcin.

"Magkakamatayan muna kami!"Kuya Azrel.

"Hindi siyang pwedeng maging escort! Babarilin ko ang gagong Labrador nayon!"Kuya Alvis.

Napailing nalang ako. Napatingin ako kay Misha ng tumayo siya at namewang sa harapan ng mga kapatid ko.

"At bakit naman hindi!? Aba! Dapat nga magsaya kayo dahil isang Labrador ang magiging escort ng kapatid niyo!"ani Misha.

"No!!"

"Dadanak muna ang dugo bago makatapak sa terotoryo namin ang gago mong pinsan!"

"That fucking moron will not going to escort our princess!!"

Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa nakikita.

"Hep!Hep! Stop!" awat ni Mommy.

"Mom! Hindi pwedeng escort ang gagong yon! Kami nalang ang magiging escort ni angel" ani Kuya Axcel.

Pero umiling lang si Mommy. "No , my decision is my final. Jerson will be the escort" matamang ani Mommy bago kami iwan lahat.

Nang mawala sila Mommy ay isa isa kong narinig ang mura ng mga kapatid ko. Habang bumalik naman sa tabi ko si Misha na nakangisi.

"Hay , nakakatuwa namang makita ang mga muka ng mga kapatid mo na parang natalo sa loto" komento niya.

Umiling nalang ako bago bumaling kay Kuya Arvin ng tumayo si Ava. Mukang may tumatawag sa kaniya.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon