Chapter 8

550 26 2
                                    

Chapter 8

"Hindi ba to joke? Kasama talaga ako?" tanong ni Misha.

"Pwede ka namang mag paiwan kung gusto mo. Total di ka naman kailangan don" sabi ni kuya Azrel. Sinamaan naman siya ng tingin ni Misha bago inirapan.

"Kinakausap ba kita? Epal karin eh!"sagot naman ni Misha bago pumasok sa van namin. Tinabig pa niya si Kuya Azrel kaya napamura ito.

"Burn brother burn!"asar naman ni Kuya Alvis.

"Shut up!"

"Ivy honey , wala ka na bang nakalimutan?"tanong sa akin ni Mommy. Umiling lang ako kaya tumango siya.

Habang busy naman ang mga kapatid ko sa paglalagay ng mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin sa labas ng bahay namin hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na itim na kotse ni Kuya Arvin.

Napangiti ako. Sasama siya.

"Come on! Brother! Ang bagal mo! Maiiwan tayo ng eroplano!"rinig kong sigaw ni Kuya Alvis ng makalapit sa amin si Kuya Arvin.

"Tanga neto! Yate ang sasakyan natin hindi eroplano!" agad siyang binatukan ni Kuya Axcel.

"Hindi naman kayo mabiro!"

"Okay , tama na yan boys. Sumakay na kayo" sabi ni Daddy.

"Hindi tayo kasya Dad" ani Kuya Arcin na biglang ngumisi. Kita kong ngumiti rin si Mommy at Daddy.

Napakunot ang noo ko ng dali dali silang sumakay ng Van. Sasakay narin sana ako ng sarhan nila ang pinto.

What the hell!?

"Daddy!"tawag ko sa kaniya at kinatok at pinto.

Ano? Iiwan nila ako rito? Baka nakakalimutan nila na ako yung debutant?

Bumukas ang bintana ng sasakyan at sabay sabay silang sumungaw.

"Sorry baby girl. Hindi kana kasya" sabi ni kuya Alvis.

"Ano?"

"Sikip na kami kasi may balyena kaming kasama" ani Kuya Azrel na tumingin kay Misha ng nakangisi. Agad dumilim ang muka ng kaibigan ko at agad binatukan si Kuya.

"Aray! Anong problema mo!?"

"Hindi ako balyena!"

"Sus pa humble ka pa—aray ko Labrador! Isa pang hampas hahalikan kita!"ani Kuya. Natigilan si Misha at nanlaki ang mata.

"Witwew!"kaniya kaniyang sumipol sina Kuya Arcin.

"Bastos!"sabi nalang ni Misha at hindi na pinansin si Kuya Azrel.

"Come on guys , buksan niyo to" sabi ko sa kanila.

"Sweety hindi na kasya. Sumabay ka nalang sa Kuya Arvin mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy.

"What!?" Agad akong napalingon kay Kuya Arvin na prenteng nakasandal sa sasakyan niya habang bored na nakatingin sa amin.

"Daddy!" Tawag ko kay Daddy pero umiling lang siya.

"Honey , sumabay ka nalang sa Kuya Arvin mo" aniya. Agad akong nataranta ng buhayin niya ang engine ng makina.

So talagang iiwan nila ako!?

"Dad!"sigaw ko ng magsimula ng umandar ang sasakyan.

"Bye princess" kaway ni Kuya Arcin sa akin.

"Kita nalang tayo sa yate , baby girl" si Kuya Alvis.

"Enyoy the ride , angel!" kuya Axcel.

"We love you little baby! Muwahh! Keep safe!"napangiwi ako ng mag flying kiss pa si Kuya Azrel.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon