Chapter 47

423 14 0
                                    


Chapter 47

Mainit na simoy ng hangin ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng NAIA. Nasa tabi ko si Jer na siyang nagdadala ng mga gamit namin.


Napahinga ako ng malalim. "I miss Philippines"aniko.

"I miss here too"rinig kong ani Jer. Pumara kami ng taxi bago sumakay doon.

"Saan ka didiretso?"tanong niya.

"Sa condo ko"kumunot ang noo niya sa sinabi.


Syempre mag tataka talaga siya. Hindi ko naman kasi sinabi na bago ako bumalik dito ay bumili muna ako ng condo. Gusto ko kasing mamuhay ng ako lang. Hindi ko iyon nagawa sa Spain kasi nakatira ako kina papa.


Gusto kong maging independent sa ngayon.

"Wow! Hindi ko yata alam yon?"gulat na tanong niya sa akin. "Of course! Paano mo malalaman kung hindi ko sinabi sayo?"mataray kong saad sa kaniya.

"Kelan mo binili?"

"Last week?"

"Alam ba ni Tito?"

"Yes , siya pa nga ang pumili eh"aniko. Napailing nalang siya.

"Kompleto na ba ang furniture?"

Umiling ako. "Hindi pa , pero yun ang una kong asikasuhin"sabi ko. Tumango naman siya.

"Hindi mo ba sasabihin sa kanila na nandito kana?"kuryuso niyang tanong.

"Hindi. Magpapakita nalang ako sa kanila bukas"ngiti ko. Ngayon palang nai-imagine ko na ang mga muka nila.


Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa condo ko. Tinulungan ako ni Jer na buhatin ang mga gamit ko papasok sa loob. Umalis din naman siya agad dahil may kikitain daw siya.


Nang maiwan ako sa loob ng condo ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang galing pumili ni papa. Simple lang ang design ang pero sumisigaw ng karangyaan.


Napangiti nalang ako. Tiningnan ko ang sala bago naglakad upang  i-check ang kusina. Sunod kong pinuntahan ang bed room at banyo.


"Wow. This is good place"mangha kong saad bago humiga sa queen size na kama. Nang tumunog ang tiyan ko sa gutom ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag order ng pagkain.


Nang matapos ako ay kinuha ko ang maleta ko upang ilagay ang mga damit ko sa cabinet. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo upang maligo.


Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na ako ng door bell kaya lumabas ako sa kwarto upang kunin ang order ko.

"Thank you. Keep the change"pasalamat ko sa delivery boy bago isinara ang pinto.

Pumunta ako sa kusina at ipinatong sa counter ang order ko. Habang kumakain ay nag isip na ako ng mga plano sa pag aayos ng condo ko at ang pag tatayo ko ng ospital para sa mga hayop.


Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at idi-nial ang number ni Mommy.


"Hello Ivy!"masigla niyang bati. Napangiti nalang ako. "Mommy kompleto po ba kayong lahat bukas sa bahay?"tanong ko.

"Why honey?"

"Nothing Mom. Tinatanong ko lang po"

"Well hindi ako sigurado"

"Ganon po ba?"

"Bakit Ivy?" mas lalong lumaki ang ngiti sa tanong niya.

"Gusto ko po sanang mag reunion"aniko. Rinig kong natigilan siya sa kabilang linya.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon