Chapter 26

463 16 0
                                    


Chapter 26

Nakangiti ako habang pumipili ng damit na susuotin. Ni wala na nga akong pakialam kung magkalat ang mga damit ko sa kama at sa sahig eh. Basta ba makapili ako ng babagay sa akin.

Kinuha ko ang isang cream dress na up shoulder at tinapat ko iyon sa akin bago humarap sa salamin. Napatabingi ang labi ko ng hindi ko iyon magustuhan.

Para kasing hindi bagay sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim bago iyon tinapon sa kama ko. Kukuha na sana ulit ako sa cabinet ko ng mabitin sa ere ang kamay ko dahil wala na akong damit na nakasabit.

Napanguso ako bago tumingin sa harapan ko kung saan nagkalat ang mga damit ko.

Kainis naman oh! Sa dami ng damit ko rito ni isa wala akong napili? Eh dati naman wala akong pakialam kung anong isuot ko tapos ngayon hindi manlang ako makapili.

Nakakainis naman!

Napahawak ako sa buhok ko at ginulo iyon bago tinatamad na umupo sa kama.

Pwede namang kahit ano nalang ang isuot ko. Bakit ba nag iinarte pa ako?

Eh kasi nga may date kayo ni Arvin diba?

Napasimangot ako sa naisip.

It's not a date you stupid Ivy! Lalabas lang kayo ng kapatid mo at kakain! Yun lang! Wag kang tanga! Kapatid mo yon! Magkapatid kayo!

Napapikit ako ng mariin bago humiga sa kama. Ano nang gagawin ko? Akala ko ba kailangan kong pigilan ang kung anumang kabaliwan ang nararamdaman ko kay Kuya? Eh bakit ako namomoroblema kung ano ang iisuot ko?

Inis akong napasipa sipa habang nakahiga parin. Tumingin ako sa gilid ko at kinuha ang cellphone ko. Mabilis kong dinial ang number ni Misha habang kagat kagat ko ang kuko ko.

Nakatatlong ring ito bago niya iyon sinagot.

"Hello?"inaantok na sagot niya. Napakagat ako sa labi ko bago tumingin sa orasan. Alas dos palang ng madaling araw pero kanina pa ako gising at naghahanap ng damit para  sa magiging date—este—sa paglabas namin ni Kuya Arvin mamayang 4pm.

Yeah right , 4pm pa talaga kami aalis. Kasi may duty  pa siya ng umaga. Masyado lang talaga akong excited kaya madaling araw palang naghahanda na ako. Ni hindi ko nga matandaan kong natulog pa ba ako o hindi eh. 

"Hi Misha"bati ko sa kaniya.

"Ivy? Bakit ang aga mo namang tumawag? Alam mo ba kung anong oras palang?"reklamo niya. Napangiwi tuloy ako.

"Two am palang"sagot ko. Narinig ko siyang umungol sa inis sa kabilang linya.

"Aware ka naman pala eh! Bat ka nang iistorbo?"

"K-kasi"

"What?"mataray niyang tanong. Muli kong nakagat ang pang ibabang labi ko.

Should I tell her? Pero kasi hindi ko na kayang kimkimin lahat to. At isa pa kaibigan ko siya.

"May sasabihin ako"

"Sabihin mo na"

"Pero mamaya pa"

"Ha?"

"Magkita tayo mamaya sa coffee shop na lagi nating pinupuntahan" seryosong sabi ko.

"Okay. Noted"aniya at binabaan na ako.

I sighed.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga bago isa-isang pinulot ang mga damit ko at inayos iyon. Nang matapos ako ay pabagsak akong humiga sa kama.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon