Chapter 43"You mean Jerson Uncle? Harold Labrador?"tanong ko. Tumango naman si Mommy bago nagpatuloy sa pagkukuwento.
"Nagkakilala sila ng mama mo sa Spain. Lagi niyang sinasabi sa akin ang nararamdaman niya. Lagi akong updated sa buhay niya lalo na sa naging love life niya. She's so happy whenever she's mentioning your father's name. He is her first love and also the first man who broke her heart. She didn't know that your father is already married here in the Philippines. Ako ang unang nakaalam noon pero nag alangan akong sabihin sa mama mo. Kasi natatakot akong alisin ang mga ngiti niya sa muka"
"Kaya kinausap ko si Harold. Sinabi ko sa kaniya na layuan niya ang mama mo. Pero hindi siya nakinig. Tinakot ko siyang sasabihin ko kay Elisa ang lahat pero nag makaawa siya sa akin na wag yong gawin. He said he love your mother so much. And that he can't afford to loose her. Pero hindi ako pumayag , hindi ko kayang atimin na niloloko niya ang kaibigan ko. And when I'm about to tell her everything. That's when you came. Hindi ko alam na buntis na pala si Elisa sayo ng tatlong buwan"
"Kung kaya't hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang lahat. Kasi inisip ko ang kalagayan mo. Ayoko kong lumaki ka ng walang ama. Kaya nanahimik ako. Kahit na lagi akong inuusig ng konsensiya ko. Pero pilit akong nagpakatatag. When you were born that's the best thing that happened in your mothers life. She was so happy. So overwhelmed. Nanirahan silang dalawa ni Harold sa Spain"
Tumigil si Mommy saglit sa pag kukuwento at pinahid ang luhang lumandas sa pisngi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Ano pong sunod na nangyari?"tanong ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Habang ang mga kapatid ko naman ay nakikinig lang at tahimik.
"Three year's had passed and you three live a happy life. But faith made its way to correct your father's mistake. Kasi nga 'walang sikretong hindi nabubunyag'" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Three years? Ibig sabihin tatlong taon na ako non bago mapunta sa inyo?"gulo kong tanong. Hindi ko maintindihan.
Tatlong taon? Pero bakit wala akong maalala?
"Yes , you were three years old back then"
"H-how come?"gulo kong tanong. Ngumiti si Mommy sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Harold's legal wife happened to know your father's affair. Sinundan niya ito sa Spain at nagpakita sa kanila. Sinabi niya ang lahat kay Elisa. Duon nagsimula ang gulo. Hindi makapaniwala ang mama mo sa nangyari at iniwan niyo si Harold. That is when the car accident happened" aniya na patuloy hinahaplos ang pisngi ko. Tumulo ang luha ko ng marinig ang salitang 'accident'.
"A-and then?" nanginginig kong tanong. Ngumiti sa akin si Mommy habang patuloy ang pagtulo ng luha niya sa mga mata.
"You and your mother had rushed in the hospital. Nagkaroon ka ng head injury pero hindi iyon ganon kalala dahil pinrotektahan ka ng mama mo. The accident cause you a head trauma. Ilang linggo kang tulog nuon bago nagising. Pero wala ka sa wisyo. Nang makita kita sa ospital ay lagi kalang nalatulala. Hindi ka namin makausap. Ang sabi ng doctor ay after shock iyon ng nangyaring aksidente. Maaring bumalik ka sa dati pero hindi mo na maaalala ang lahat kahit kailan."aniya. Mas lalong bumuhos ang luha ko.
So , that explain why I can't remember anything.
"Then what happened to mama?"umiiyak kong tanong. Kahit alam ko na ang sagot.
"She was declared dead on arrival"ani Mommy. Kinagat ko ang labi ko habang pinipigilan ang pag hagulgol. Sobrang sikip ng dibdib ko , hindi ako makahinga dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko "Namatay siya ng hindi man lang ako nakakahingi ng tawad. Sobra akong nagsisisi na hindi ko sinabi sa kaniya agad ang tungkol kay Harold. Kung sana ginawa ko iyon , hindi sana siya naaksidente. Sana nandito pa siya"hagulgol ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...