Chapter 18

513 16 0
                                    

Chapter 18

"How about me? I'm good at dancing" Kuya Arvin said.

Agad kaming napalingon ni Mommy sa kaniya. Naglakad siya papalapit sa amin.

"Right! Perfect!? Buti nalang at dumating ka" ani Mommy bago pumalakpak.

Napatingin naman ako kay Kuya Arvin ng maglakad siya papalapit sa akin. Pakiramdam ko ay biglang nagslow motion ang paligid ko ng yumuko siya sa akin bago ilahad ang isang palad niya.

"Can I have this dance?"nakangiti niyang tanong sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko. Wala sa sarili kong iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

Mabilis kong naramdaman ang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng sandaling maglapat ang kamay namin. Habang palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko na kahit ako ay naririnig ko na.

Nakatingin lang kami sa mata ng isat isa. Nahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko at hapitin ako papalapit sa kaniya.

Shit!

Pakiramdam ko ay nakalimutan kong huminga ng maglapit ang mga muka. Amoy na amoy ko narin ang mabango niyang hininga. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko , natatakot akong baka marinig niya iyon.

"You seem tense , sweety" bulong niya sa muka ko bago ngumisi.

"You can breath you know" aniya pa. Duon ako parang natauhan at mabilis na iniiwas ang muka sa kaniya. Lumanding iyon kina Mommy na nanonood sa amin.

Hindi ko alam na nakalimutan ko palang hindi lang kami ang nandito. Nakatingin sila sa amin ng nakangiti.

"Akala ko hindi ko na ito muling makikita" ani Mommy at nagpahid pa ng luha sa gilid ng mata niya.  "I thought you two will never be okay. But I'm so happy that I can see you this close again" ani Mommy. Niyakap naman siya Daddy.

"Shhh! Don't cry love. We are all happy that after so many years. Our eldest and our youngest child will be okay again"ani Daddy bago tumayo.

Habang sobrang lawak lang ng ngiti nila Kuya Arcin.

"Come on boys! Iwan na muna natin sila. Alam kong marami pa silang dapat i cath-up. Eleven years din ang dalawang yan na hindi nagpapansinan" ani Daddy at tumayo.

Agad naman akong naalarama ng isa isa silang umalis.

Shit! Hindi nila kami pwedeng iwan ni Kuya! Hindi pwede! Lalo na at ganito ang nararamdaman ko!

Pero wala akong nagawa ng iwan na nila kaming dalawa habang patuloy ang pagtunog ng soft music na pinlay ni Mommy.

"Turuan mo siya ng maayos Kuya Arvin!"rinig kong pahabol na sigaw ni Kuya Alvis.

"Ingat ka sa heels Kuya!"si Kuya Arcin.

"Masakit ang 6 inches!"paalala ni Kuya Axcel. Rinig kong natawa nalang si Kuya Arvin sa kanila.

Tumingin ako kay Kuya Arvin ng mas lalo niya akong hapitin papalapit sa kaniya.

"K-Kuya"

"Follow my step" agad akong kinilabutan ng bumulong siya sa tenga ko. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

Nagsimula siyang gumalaw habang sinusubukan kong huwag matapakan ang paa niya.

"Easy , Ivy" aniya ng matapakan ko siya. Agad uminit ang pisngi ko.

"Sorry"

"Ulitin natin" tumango ako sa kaniya at nagsimulang sumunod sa galaw niya.

"Left , right. Left right. Ganyan nga , Ivy" aniya. Napangiti ako ng hindi nagtagal ay medyo nakakaya ko ng sabayan ang galaw niya.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon