Chapter 37"S-san mo nakuha yan?"tanong ni Mommy at lumapit sa akin upang kuhanin ang litratong hawak ko.
"Nakita ko lang po"sabi ko. Pinagmasdan ko siyang ibinalik sa libro ang litrato bago iyon inilagay sa box ng lamesa.
"Who is she Mommy?"kuryoso kong tanong. Kita kong natigilan si Mommy sa sinabi ko at tumingin sa akin.
"S-she's m-my b-best friend"utal niyang saad. Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagsasalita niya.
"Okay ka lang po ba?"tanong ko. Agad naman siyang tumango. "Y-yeah of course"sagot ni Mommy. Hindi siya makatingin sa akin na para bang may tinatago siya.
"Siya po ba yong lagi nating dinadalaw sa sementeryo?"muli kong tanong at ngumiti. "Ang ganda po pala niya. Sayang ngayon ko lang siya nakita"sabi ko.
Tumango lang si Mommy bago ako hinawakan at inaya papunta sa labas.
"Anong pong pangalan niya?"tanong ko ulit. Nakarating kami sa sala bago niya ako hinarap.
"Her name is Elisa"aniya. Kumunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na pangalan na iyon.
Magsasalita na sana ulit ako ng dumating si Daddy.
"Hey ladies" bati niya sa amin at hinalikan sa labi si Mommy. Napangiti naman ako.
Ang sweet talaga nila.
"Hi Dad. San kayo pupunta?"tanong ko ng makita ang maletang dala niya.
"I have a business trip in Quezon. Three days ako doon kaya hindi agad ako makakauwi"aniya. Napatango naman ako.
"Ikaw? Bakit hindi ka pa naghahanda? Wala ka bang klase?"tanong naman niya. Oh right! Muntik ko ng makalimutan.
"Meron po Dad. Hinanap ko lang si Mommy kasi papirmahan ko to sa kaniya"nakangiti kong ani at nilahad sa kanila ang card ko.
Kinuha naman iyon ni Daddy at agad napangiti. "Napakagaling talaga ng anak ko. Running for valedictorian! I'm so proud of you Ivy!"ani Daddy at yumakap sa akin.
"Thanks Dad" pasalamat ko. Pinirmahan nilang dalawa ang card ko bago nag paalam si Daddy na aalis na. Hinatid naman siya ni Mommy kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis.
Hindi ako maihahatid ni Arvin ngayon kasi maaga ang duty niya. Samantalang busy naman lahat ang mga kapatid ko lalo na si Kuya Axcel kasi graduating siya.
Kaya naman hinatid nalang ako ng driver namin. Nang makarating ako sa classroom ko ay agad nag vibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at napangiti ng makita ang pangalan ni Arvin sa screen ko.
From Arvin: Good morning love. I miss you.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.
Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa kaniya.
Me: I miss you too.
Wala pang ilang minuto ay muling nag vibrate ang cellphone ko sa reply niya.
Arvin: Let's have dinner later.
Me: Okay.
Arvin: I love you.
Natigilan ako sa huling text niya bago ngumiti. Nang mag ring ang bell ay itinago ko na ang cellphone ko at nagsimulang makinig sa klase.
After ten hours ay nagmamadali akong lumabas ng classroom para pumunta sa parking lot.
![](https://img.wattpad.com/cover/305853774-288-k415775.jpg)
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
RomanceBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...