Chapter 44

423 13 0
                                    


Chapter 44

Nasa loob ako ng kwarto ko habang inilalagay ang mga damit ko sa maleta. Kahapon , nakipag kita ako kay Harold Labrador o tama ba sabihing papa ko.


Nag usap kami tungkol sa mga bagay na nalaman ko. Humingi rin siya ng tawad sa akin dahil nagsinungaling siya sa mama ko. Pero wala na iyon sa akin. Oo at meron akong konting hinanakit sa kaniya. Ngunit para saan pa iyon?

Bibigat lang ang puso ko at pahihirapan ko lang ang sarili ko.

Nag usap pa kami ng ibang bagay. Kumbaga catch-up sa mga nagdaaang taon na hindi kami magkasama. Masaya ako dahil nakilala ko ang totoo kong pamilya. Ni hindi nga ako makapaniwala na pinsan ko pala sina Jerson at Misha eh.


Napagaling mag laro ng tadhana.

Sinabi din sa akin ni papa kahapon na kung gusto kong sumama sa kaniya sa Espanya. Sinabi niyang gusto niya akong makasama para narin makabawi sa lahat ng mga naging pag kukulang niya.


At ilang beses ko iyong pinag isipan. Kaya ito ang desisyon ko. Gusto kong sumama sa kaniya. Gusto kong makita ang naging buhay ni mama sa Spain. Gusto kong makita ang clinic niya.


Napatingin ako sa may pintuan ko ng bumukas ang pinto at iluwa nuon si Mommy na umiiyak. Kanina ko lang sinabi sa kanila ang desisyon ko. At gaya ng inaasahan ay hindi sila pumayag.



Lumapit si Mommy sa akin bago sumulyap sa maletang nakapatong sa kama ko. Mas lalong nagpatakan ang mga luha niya sa mata.

"Ivy please. You don't need to do this. Alam ko namang galit ka pero hindi mo naman kailangang umalis. Pamilya ka namin , anak parin kita. Pakiusap anak , wag mong iwan si Mommy"aniya at niyakap ako.



Niyakap ko naman siya pabalik at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. "But Mommy , I want to know what life Mama had in Spain. At gusto ko ring makasama si papa. Babalik rin naman po ako"kumbinsi ko sa kaniya.


Alam kong iniisip nila na kaya ako aalis ay dahil galit ako. Pero hindi iyon ang dahilan. Gusto kong makita ang naging buhay ni mama. At isa pa gusto ko ring makasama ang tunay kong ama.


"Please understand me Mom"sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inaya ako paupo sa kama. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit na ngumiti. "Ivy , you can just stay here"pakiusap niya.


"Mommy , I want to spend time with my father. Hindi naman ako magtatagal doon. Babalik naman ako dahil kayo parin ang pamilya ko"paliwanag ko. Inangat ko ang kanang kamay ko para punasan ang mga luha ni Mommy.


"But your Kuya Axcel is graduating. Hindi ka ba aattend?"

"I will Mom. This Friday naman na ang graduation ni Kuya kaya makaka attend po ako"

"Pero pwede namang hindi kana umalis"

"Mommy , gusto ko rin makasama si papa. Ilang taon kaming nagkalayo at gusto kong mapunan ang lahat ng yon. Kahit sa konting panahon lang, dahil alam ko namang sa inyo pa rin ako babalik"sabi ko. Nanlalabo na ang mga mata ko ng pumasok sina Kuya Axcel na umiiyak. Mabilis silang apat na lumapit sa amin at niyakap ako.



"Wag kang umalis baby girl. Hindi namin kaya"

"Promise mag titino na kami princess"

"Hindi na namin aawayin si gagong Jerson little baby"

"Don't leave us angel"

Tumulo na ang luha ko sa sinabi nila. Humiwalay ako sa yakap at isa isa silang tiningnan. "Listen mga Kuya. Hindi ko rin naman gustong umalis. But I want to spend time with my real father too" paliwanag ko.


Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon