Chapter 45
"Congratulations Kuya!"bati ko kay Kuya Axcel at niyakap siya.
"Congratulations attorney!"tudyo naman ng mga kapatid ko. Niyakap namin si Kuya Axcel bago nag desisyon na pumunta sa ospital kung nasan si Daddy. Ang sabi ng doctor ay pwede na siyang idis-charge bukas.
Hindi namin kasama si Arvin dahil umalis siya sa bahay kanina matapos ang nangyari. Nalaman ni Mommy ang ginawa niya at nagalit ito. Gustuhin ko mang sabihin na hindi naman nila kailangang magalit kay Arvin pero hindi ko sila masisisi.
He almost raped me. At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nagawa niya iyon. Pero naiintindihan ko naman siya. Kahit na nagawa niya iyon sa akin ay hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya.
Mukang ganito talaga ang pag ibig.
Nalaman din iyon ni Kuya Axcel kaya masaya siya na hindi na dumalo si Arvin sa graduation niya kasi baka daw magkagulo lang.
Sinabi narin nina Mommy kay Daddy na alam ko na ang totoo. Humingi siya ng tawad sa akin kaya pinatawad ko naman siya. Naging masaya ang graduation ni Kuya Axcel kahit wala si Arvin.
Hinanap pa nga siya ni Daddy pero gumawa nalang ng alibi sina Kuya na may importante itong ginagawa. Nag paalam narin ako kay Dad na aalis at sasama kay papa sa Spain.
Pinayagan naman niya ako kasi gusto rin niyang makasama ko ang totoo kong ama.
"I can't believe you're my cousin"natawa nalang ako sa bungad sa akin ni Jerson pagdating namin sa airport.
Ngayon ang araw ng alis namin papunta sa Spain. Nasa immigration na kami at naghihintay nalang ng tawag.
"Me too Jer. Akalain mong kadugo pala kita"tawa ko. Sumimangot naman siya sa akin. "Nakakainis na pinsan kita"mahinang aniya.
"Bakit naman? Ayaw mo ba?"
"Hindi sa ganon... Pero...."
"Pero?"taka kong tanong. Umiling siya bago ngumiti. "Nevermind"aniya.
Nagkibit balikat nalang ako. Ilang oras ang lumipas bago kami nakarating sa Spain. Sobrang kabado ako lalo na nung papunta na kami sa bahay nina papa. Makikita ko na ang asawa niya.
Sana maging maayos lang ang lahat.
"We're here"deklara ni papa. Tumingin ako sa malaking puting bahay. O tama ba na tawagin pa iyong bahay. Para kasing mansion eh.
Napakapit ako sa braso ni Jerson ng magsimula kaming pumasok sa loob. "Don't worry Ivy. Mabait naman si tita"aniya. Nang makarating kami sa sala ay agad kaming sinalubong ng isang magandang babae.
Siya yung nakita ko nung araw na pagkamalan ako ni papa na si Elisa/mama. Nakangiti siyang lumapit sa amin bago niyakap si papa. Sa muka palang niya makikita mo na mabait naman siya.
"Siya na ba iyon?"tanong niya bago tumingin sa akin. Napalunok naman ako sa kaba. "Yes honey"
Ngumiti sa akin ang babae at naglahad ng palad sa akin. "Nice to meet you hija. My name is Estela or you can just call me tita"pakilala niya.
Gamit ang nanginginig kong kamay ay tinanggap ko ang palad niya. "Ivy po"tipid kong saad.
"I'm sorry about your mother hija"hingi niya ng tawad. Umiling lang ako. "Ako nga po dapat ang mag sorry sayo , dahil samin nasira ang pamilya niyo"aniko.
BINABASA MO ANG
Intense Thorn of Love (COMPLETED)
Storie d'amoreBeing the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers that so over protective of her. She didn't even have experience a normal life because of them. They...