Nine

20.5K 493 15
                                    

AN: I have been writing this chap for how many dayssss. Believe me, I tried to make this noteworthy as much as I exert to all the chapters. Just kindly consider this a 'Filter Chapter' :)

Tulong na rin po! :) Comment your thoughts and suggestions or kindly PM me :) Sobrang drain na ng utak ko at kung iisa-isahin ko yung iniisip ko ngayon, magiging nobela na. -,-

Anyhow, enjoy reading! :)

--

Kasalukuyang gumagawa ng thesis si Yuri habang abala si Trace sa kaniyang laptop. Para silang naggu-group study sa unang tingin.

Isang paragraph na lang at tapos na siya. Samantalang sigurado siyang trabaho ang inaatupag ng binata.

"By the way, Yuri." Trace said, breaking the silence. "Isn't that you'll be having an acquaintance party?"

Tumango siya ng marahan. Not knowing what to say.

"D'you have a date?" Tanong ni Trace na nagpalaki ng mata niya. Unconsciously, she taps her forehead. May mga nagyayaya nga pala sakaniya. At kailangan na niyang mamili.

"Buti sir at pinaalala niyo." Sabi niya bigla sabay kuha sa phone niya.

Dali dali siyang nagtype sa Iphone na bigay ni Jenna sa kanya.

'Hi. Nakapili nako ng partner--'

Hindi pa man siya natatapos magtype ay kinuha sakanya ni Trace ang phone.

"What the hell is this?"

"A-ah. Eh, ano, sir.. Eh may nagyaya na po sa akinㅡ"

"Sino?"

"Eh marami nga sir eh. Kasoㅡ"

"What do you mean marami? How many?"

"Ahm. ." Sandali siyang nagbilang sa isip niya. "Sampu. Ay hindi, eleven. Ay hindi, meron pa pala sa Engineering dept, uhm fourteen? Ay hindi! Mali, sa Business Ad naman, tatlo. Bale, seventeen. Hmm, meron pa pala saㅡ" Parang kinakausap niya lamang ang sarili habang nagbibilang. Hindi kasi talaga siya sigurado. Pero naputol iyon sa isang sigaw

"WHAT THE FUCK!" Trace exclaimed. "Seriously Yuri, bakit ganon kadami?"

"Ahm, h-hindi p-po kasi ako uma-attend ng acquaintace. Ngayon lang po na requirement siya. Kaya ayun, n-naipon." Napakamot siya ng batok habang inaalala niya yung mga nagyaya sakanya mula nung first year hanggang mag-third year sya.

Hindi naman sa may gusto sila dito. Dahil sabi nga niya ay pangit lang siya. Wala lang siguro silang makakapartner kaya ganun.

"Did you ever had a boyfriend?" Trace asked.

Umiling siya.

"How many guys have courted you?"

Napaisip siya at umiling. "You mean, nothing?" Paguusisa ni Trace.

Umiling siya ulit. "Hindi ko na po matandaan kung ilan." Sagot niya.

Napataas ng dalawang kilay si Trace. Kung hindi ito si Yuri, baka nayabangan na siya. But hell no, inosente pang sumagot ito. Mukha pang hiyang hiya dahil hindi na matandaan!

Where the hell this lady came from? He thought.

"Pero may nanligaw na pinayagan ko. Close sila ni mama." Dagdag pa ni Yuri.

"Tell me more." Trace urged.

"Eh, high school ako nun. Pareho kaming mahirap, kaya walang problema. Pero kumpara naman sa amin, mas may kaya naman siya. Eh madalas ako nung ilibre eh! Naging close sila ni Nay, kasi tumutulong siya sa paglako ng gulay!" Tumawa siya bigla habang inaalala ang mga sandaling iyon.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon