AN: Patawarin niyo po ako sa hindi ko pagupdate these past few days. Huhu. Sobrang hectic ng sched ko. Anyways, sorry dahil soooobrang ikli, inupdate ko lang para di masyadong out of date. Lol.
-Cx
He left me for a reason. Nangako siya sa akin na babalikan niya 'ko bago siya umalis. And I know, I feel it, he's back for a reason too.
"Hello, bhie." He greeted me while I was still dumbfounded. Ngumisi siyang muli sa reaksyon ko.
Nagbago siya. He doesn't smirk before but instead he smiles genuinely. Wow, nagbago na siya.
"A-ang laki ng pinagbago mo, Jarden." Sabi ko.
Umiling siya at kinuha ang mga kamay ko. "Physically, yes. Pero ito," Inilagay niya sa tapat ng kanyang dibdib ang kamay ko. "It never changed." He says softly.
"Jarden. ." Hindi ko alam kung ao bang dapat kong sabihin.
"I've waited too long for this, bhie. Diba sabi ko babalikan kita, diba bhie?" Suddenly, the Jarden I knew was back.
'Yung parang bata. Yung ako yung sandalan. Yung ako, ako lang. This is the Jarden I loved way, way back.
Pero alam kong mali. Ramdam kong may mali...sa akin.
Tumango na lang ako. Anong sasabihin ko? Na hoy Jarden, nung wala ka nagkagusto ako sa iba. Feeling ko nga mas gusto ko na siya kaysa sayo. Yun ba? Yun ba ang dapat kong sabihin?
Ano pa? Ano pang sasabihin ko? Na 'Patawarin mo ko dahil hindi ako naging loyal sayo. Na naging marupok ako.
O baka mas magandang sabihin na. .
"My love for you wasn't enough." I said.
Kitang kita ko kung paano nawala ang dugo sa kanyang mukha. His jaw literally drops.
"B-bakit Bhie?" Nanginig ang boses niya. Tumawa siya ng pagak. "Of course your love wasn't enough before. Don't worry," He desperately took my hand. "This time, we'll all make it right. Okay?"
Kinagat ko ang labi ko. Naintindihan niya ba talaga? O talagang nililihis niya ang usapan? Alam niya, pero ayaw niyang tanggapin.
"Jarden.."
"Sobrang late na ba ng dating ko?" His words cut like knives.
Sabihin mang na-late nga siya ng dating, hindi pa rin yun sapat para maghanap ako ng iba. Dapat naghintay ako. Dapat hinintay ko siya. Pero naging mahina ako.
Unconsciously, my tears fall.
"Yuri, handa akong hintayin ka. Magsimula ngayon, di na ko aalis sa tabi mo. Please," Lumuhod siya sa harap ko. Napatakip ako ng bibig. "Maghihintay ako. Pagbuksan mo lang ako sa puso mo..ulit."
"Jarden, wag mong gawin 'to. Please.."
"Hindi. Hayaan mo 'ko. Kasalanan ko eh. Natagalan ako. Patawarin mo 'ko. Kasalanan ko.." Niyakap niya ang mga tuhod ko.
"Jarden, tumayo ka na diyan. Sige na." Pinipilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya doon pero mahigpit niya iyong kapit.
"One more chance, please. Bhie please.." Ramdam ko ang luha niya sa binti ko.
"Sige." I finally said. "Sige pagbibigyan kita basta tumayo ka na diyan." Sabi ko.
Dali dali siyang tumayo at niyakap ako.
Nabigla ako ngunit kahit nagaalinlangan ako ay niyakap ko siya pabalik. Na siyang pinagsisihan.
Kita ko mula sa kinatatayuan namin si Trace na nanonood. Marahil ay kanina pa siya roon. Nakatingin lang siya.
Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha niya. It was unreadable.
Biglang parang tumambol ang puso ko hindi sa kilig, kundi sa kaba. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap ni Jarden sa akin kahit ang mata ko'y nanatili kay Trace.
"Thank you." Hindi ko iyon pinansin. Nakatuon ang buong atensyon ko sa lalaking unti unting tumatalikod sa akin.
"Hindi." Bulong ko.
Napakunot ng noo si Jarden.
"Huh?"
Tiningnan ko siya at umiling. "W-wala. S-sige aalis na ko."
"Ihahatid na kita."
"Hindi na." Tanggi ko. Hahabulin ko pa siya. Sabi ng utak ko.
"Sigurado ka?" Paniniguro niya.
"Oo naman." Hindi ko na siya hinintay saumagot. Nagmamadali akong tumakbo papunta kung saan si Trace.
Naabutan ko siyang bubuksan sana ang kotse niya. Tumakbo ako palapit pa sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.
Nanigas ang katawan niya ngunit saglit lang iyon dahil mabilis niya akong hinarap at marahas na siniil ng halik.
Hindi ko siya pinigilan bagkus ay sinagot ko iyon ng kaparehong intensidad. Naramdaman ko ang pagbukas niya ng pintuan ng kotse.
"I thought I'd lose you." He said in between kisses. I shook my head.
"Sorry sa nakita mo." Sabi ko. Pinagdikit niya ang aming mga noo at kapwa kami hinihingal.
"I know you need closure." He says softly. "Pero sana hanggang doon na lang 'yun. You're mine, right?"
And I don't know if it's just me but I felt how scared he was. Parang lumundag ang puso ko sa kaalamang iyon. I bit my lip.
"Say it. Are you mine?" Tumango ako.
"Sa'yo ako, Trace.." Iyon lang ang kailangan niyang marinig at siniil niya muli ako ng halik at ipinasok sa loob ng kanyang kotse.
NEXT CHAPTER NEEDS A STRONG PARENTAL GUIDANCE. LOL.
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...