"Acquiantance?" Yuri wearily asked.
Hindi kailanman niya naisip ang bagay na yun. Oo nga pala't karaniwan na iyon at taun taon pang nagaganap. Pero di siya lubusang makapaniwala na isa yun sa mga magiging requirements nila upang gumraduate!
Bakit nga ba siya nabigla? Bakit nga ba siya nagtaka pa? Eh, wala namang nakakabigla doon? Sadyang mahirap lang siya kaya di siya uma-attend ng mga ganon.
"Okay," She said when she recovers. "H-hindi kasi a-ako makakaattend."
She sighed mentally. Ang hirap ng walang pera! Sigaw ng utak niya, kung sumisigaw nga talaga ang utak.
Jenna's face dropped and said, "Iniintindi mo na naman ba ang mga bayarin?"
Hindi siya nakasagot. Yun na nga yun! Walang labis, walang kulang.
Natatawa siya sa sarili niya. Ha-ha-ha! Bakit kasi ang hirap nya? Bakit kasi kulang pa ang nakukuha niyang sweldo? Bakit kasi ang dami niyang gastusin?
Hindi ba pwedeng pagkain, tubig at pamasahe nalang? Bakit ang dami dami pa?
Hindi naman niya pinupunan ang mga luho niya eh! Gusto nga niyang bumili kahit man lang relo para sana hindi na siya palaging tanong ng tanong sa mga kasama niya sa halagang 80 pesos, pero di nya mabili!
Ni cellphone ay wala nga siya kaya kailangan niya pang pumunta sa mga telephone stations at maghulog ng barya makatawag lang sa mama niya.
Yung cellphone na iniwan niya sa mama niya ay luma na rin at kailangan ng palitan.
Every week din siyang tinetext ng mama niya kaya kahit papano, nai-inspire siya sa pagaaral niya.
Napabuntung hininga siya. Ganoon na ba talaga siya kahirap?
Hindi niya namalayan ang luhang pumatak. "Y-yuri. . W-wag ka namang umiyak. Tutulungan naman kita eh. Promise!"
Hindi na siya nakailag nang niyakap siya bigla ni Jenna.
Pero kahit papaano, ang dami niyang dapat ipagpasalamat. Kahit ganito lang siya, may kaibigan siyang katulad ni Jenna. Nakakuha siya ng scholarship. Nasa maayos na kalagayan ang mama niya. At mabuti rin ang pamumuhay niya sa Maynila.
Hindi man ganoon kadali, pero kinakaya naman. At kakayanin niya. Kahit ano mang mangyari.
"Salamat, Jenna. Salamat ng marami."
"Naku, wala 'yon! Gaga ka talaga." Natatawang wika ng kaibigan niya. "Papagandahin talaga kita! Naku!"
-
Malamig na ang gabi, pero heto pa rin siya. Nakaupo sa isang bench malapit sa kanilang dorm. Nagmumumi, nangangarap. . akala mo naman ay may mangyayari.
She has always been this dependent to heaven. Lahat ng mga problema, hinaing at pinagdadaanan niya, sinasabi niya sa langit.
Para nga siyang nakikipagusap sa hangin. Pero wala siyang pakialam. Because after her confession, relieved is what she'd feel after.
Ganoon yata talaga. Kahit naman magsabi ka o hindi, alam naman ng nasa itaas lahat lahat. Kahit yata pinakamaliit na cell sa katawan ng tao, alam Niya. Why would she hide from Him, when He knows everything? He was the one who made her, anyway.
Kahit minsa'y nahihiya na siya dahil puro kahirapan at problema lang ang nasasabi niya. However, never in Yuri's life would she forget to thank Him. She makes sure that day won't passed without thanking Him.
That's the least she can do to give Him her whole gratitude. . to everything, including her sufferings and sorrows.
She isn't religious. That's not the term. Because whether she likes it or not, in the end of the day, Prayer is the only thing she has in mind in times when she doesn't know what to do.
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...