I never knew Trace could be that possessive. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Knowing Trace, kapag sinabi niya, gagawin niya.
"Ladies and gentlemen, meet my girlfriend, Yuri Henares." Trace introduced me to his subordinates. I don't know if I should call them board members anyway. Sa club lang naman sila may puwesto, ayon kay Trace.
"Hindi ko alam na girlfriend mo na 'ko, Trace." Bulong ko sa kanya. Pilyo lang siyang ngumiti.
"I won't be able to go to the Privilege Night. Any questions?" Pasimple lang niyang sabi.
If I didn't know him, I'd probably hate him for his arrogance. Nagtinginan ang mga Bachelor na kasapi.
"It's your rule, Trace. You're breaking your own rule?" Tanong ng isa.
"As you said, I made the rules. I suggest you read the documents you signed, Mr. Perez. I am the Supeme Bacheler, you have something to say on that?"
I can feel the dominance on Trace's aura. No wonder, he's able to manage different chain of hotels. I wonder what this man can't do. Gifted siyang talaga.
"Sure, Winston. You finally got whipped, huh?" Nakataas ang kilay na taong nung Mr. Perez.
Si Mr. Perez ay makisig rin. May malalalim siyang mata at nakakatakot ring aura.
"I'm afraid I am, Dwight." Ngumisi si Trace sa kaniya at ngumisi naman pabalik ang lalaking tinawag niyang Dwight.
"The last time I was in your shoes, I got fuckin' broken. You sure she's different?" Namula ako bigla.
Alam naman niyang nandito ako pero parang wala lang ako kung pagusapan nila. Malakas rin pala ang apog nitong si Dwight. Halata sa boses niya ang pait. He's bitter, I wonder why.
"I'll bet my life on it." Nalaglag ang panga ko sa sagot ni Trace. Nakita ko rin ang pagiling at pagngisi ng iba pang mga bachelor na kasama namin.
"I said the same thing, Winston."
Umiling si Trace. "Dwight, stop being bitter. She's different from your Rain."
Kumuyom ang panga nung Dwight. "Don't you fuckin' dare say her fuckin' name on my face, Trace fuckin' Andersen!"
Malakas na tumawa si Trace maging ang iba. "Chill, man! It's just her fuckin' name!" At muli silang tumawa. Maging ako ay natawa dahil nakikita kong aliw na aliw si Trace.
"How sure are you that she's not after your money, Trace?" Isang babaeng makinis, maputi, na may itim at mahabang buhok ang nagtanong.
Para siyang isang artista o model. Sobrang ganda niya. Pero kahit gaano siya kaganda ay hindi ko yun makuhang i-appreciate dahil sa gaspang ng ugali niya.
"She's not you, Laura." Trace said in a low voice. Nakita kong pumula ang pisngi nung Laura.
Hindi ko rin napansin ang pagdating niya dahil kanina lang ay puro mga lalaki ang kasama namin.
"Tayo dapat ang magkasama sa Privilege Night, Trace! I waited for this!" Sigaw ni Laura.
"Stop making a scene, Laura. You're really up to no good." Trace voice was stern. Halatang galit siya at nagtitimpi lang.
"Sumali ako dito para sayo! I waited to be your Concubine! C'mon Trace, your better than that! I know you won't settle for less!" Parang isang sampal iyon sa akin.
Namilipit bigla ang sikmura ko. Namumuo na rin ang bara sa lalamunan ko. Tama naman kasi siya. Wala lang akong kwenta. Hindi kami bagay.
"You have no right to say that infront of my girl. You're fired, Laura. Get out!" Pareho kaming napalundag ni Laura nang sumigaw si Trace.
"Trace.." Namumuo ang luha sa mata ni Laura ngunit wala lang pakialam si Trace.
"You won't like me when I get you out of here myself, Laura. Now, get out!" Hindi yata ako masasanay na galit si Trace. Dahil sa tuwing sisigaw siya ay napapalundag ako. Umatras ako ng kaunti.
Nakita kong tumayo si Dwight at ang iba. "I'll escort you out, Laura." Sabi ng isang di ko kilalang bachelor.
"Wala pa 'yan, Yuri. You won't like to see him so mad, too. He's turning into something you never imagine exists inside him. A monster. Lesson? Don't make him mad." Dwight stops in front of me just to tell me that and then he left afterwards.
Lumapit sa akin si Trace. Awtomatiko akong napaatras ng akma niyang hahawakan ang braso ko. Nabigla siya sa ginawa ko.
"Did I scare you, baby?" Malambing niyang tanong. Lumambot rin ang ekspresyon niya.
"Trace," I can't say anything now but his name. Ayoko na siyang makitang magalit moreover, sumigaw.
Mabilis niya 'kong dinala sa bisig niya at mahigpit na niyakap.
"I'm sorry, baby. I'm sorry." Paulit ulit niyang hinalikan ang buhok ko.
"Okay lang ako, Trace." Pinilit kong ngumiti sa kanya upang masiguro ko sa kanya iyon.
"Ayoko lang na may sinasabi silang ganoon tungkol sayo. I know some relationships failed because of the same reason. You saw Dwight?" Tumango ako.
"Si Rain ay hindi rin mayaman tulad mo. Tutol ang mga magulang ni Dwight kay Rain pero pinaglaban niya ito. She's like you. Innocent, pure and weak. I'm afraid gawin mo ang ginawa ni Rain kay Dwight." Ramdam ko ang takot sa boses niya.
"A-anong ginawa ni Rain?"
"She left him because she was pressured by the society. Sinabihan siyang Gold digger, manggagamit. And she's weak. So she gave up."
I can't blame her. Mahirap nga iyon. Bakit kasi may mga mapangmata at matatapobreng tao? Bakit kailangang may husgahan pa sila? Bakit hindi na lang sila matuwa na may dalawang taong nagmamahalan?
"Hindi ko siya masisisi. Mahirap nga iyon."Sabi ko.
"Para mo na ring sinabing gagawin mo rin ang ginawa niya, Yuri." Kumunot ang noo ni Trace.
"Hindi mo kasi alam yung ganoong pakiramdam." Sagot ko.
"At hindi mo rin alam kung ano ang pinaparamdam mo sa akin ngayon, Yuri." He said in monotone. "Kung iiwan mo rin ako, sabihin mo na ngayon. Hindi yung kung kailan hindi ko na kayang bumangon sa pagkahulog sayo, doon mo 'ko iiwan." Sabi niya saka tinalikuran ako.
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...