Seventeen

18.5K 437 1
                                    

Sorry po talaga sa mabagal na update. I wasn't able to face my laptop due to many pending stuff. Anyhow, two updates for today. Pambawi po ulit. Hehe. Enjoy!!!

Cx

-

Jenna was out with her new-found love. Matagal ring nanligaw si Jess sa kanya bago niya ito sinagot. I met him twice, he's a good guy.

Ngayon rin ang alis namin ni Trace. Ngayon kasi kami pupunta ng club na itinayo niya. Ang sabi niya ay susunduin niya ko rito sa apartment.

Naglagay lang ako ng polbo at lip balm. Wala naman kasi akong make up o kung anumang kolerete na ilalagay sa mukha. I am fine with just powder. Kabado ako habang naghihintay.

Maingay rin ba at magulo sa club na iyon? Do I have to drink? Or smoke para makiuso? What if ma-out of place ako doon. I'm sure lahat sila doon mayayaman.

Maya maya ay may kumatok na sa pinto. Inayos ko ang suot ko at pinagbuksan siya ng pinto.

He was stunned for a moment. Nakita ko ang paglaglag ng panga niya.

"Wow." Sambit niya.

I am wearing a simple floral dress and a grey flat shoes. I don't understand why he's so stunned. I look plainly boring.

"Wag mo nga akong binobola. Marami kang nakikitang mas magaganda at mas sexy sa akin kung saan saan. I look plain." I said a matter-of-factly.

Ngumiti siya sa akin. Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "You are simple, yes. And you look amazingly beautiful."

"S-salamat." I blushed hard. Ngumisi siya lalo.

Inilahad niya sa akin ang braso niya. "Shall we?" He asks.

I snake my arm around his. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin rin pala siya sa akin. I bit my lip.

Napakagwapo niya sa suot niyang pink polo shirt at black pants. I thought he's sexiest wearing corporate suit but I was wrong, he's getting more handsome whenever he wears new clothes.

Pinagbuksan niya 'ko ng pinto sa kanilang Mercedes Benz. Pumasok rin siya sa loob. Nagda-driver din pala siya. Isip isip ko.

"We look teenage couple, huh?" He chuckled.

Namula ako. Kalma, Yuri! Awat ko sa sarili. Hindi ako makahinga ng maayos. Feeling ko sasabog ako sa kilig na nararamdaman ko. Is this even legal? I don't know.

"Sa makalawa na rin pala yung acquaintance niyo? Hindi ba kayo maru-rush nun? You're also practicing for graduation, right?" Pagbasag niya sa katahimikan.

"Sanay na kasi sila sa Acquaintance party. Hindi na 'yun bago sa kanila. Isa pa, yung Juniors raw ang mago-organize." Sagot ko.

Tumango tango lang siya. "Nakapili ka na ba na magiging partner mo? I can see that guys are so fond of you." Sabi niya na muli kong ikinapula.

"H-hindi pa. Hindi naman siguro. Na-excite lang siguro sila na sa wakas aattend na 'ko ng party." Lumunok ako dahil lalo siyang lumapit sa akin.

Dikit na dikit ang mga hita namin at ramdam ko ang titig niya sa mukha ko.

"I'm sure as hell that they're secretly admiring you, baby. They're maybe fond of your beauty or your innocence? I don't know." Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "And I am of them. Can I be your date?"

Napasinghap ako. "A-ano?"

"Can I be your date, hm? I know it isn't like prom but I want to come with you that night." Sabi niya na parang normal lang sa kaniya ang magpakilig.

"P-pwede ba ang outsider?" Umiling siya sa tanong ko.

"I am Trace Andersen, baby. You're doubting me?" He asks with mixed amusement.

"S-sorry." Paumanhin ko.

Sakto namang huminto ang sasakyan sa isang malaking building. Marangya ang pagkakagawa nito. Gawa ito sa marmol.  Sa labas ay makikita ang malaking pangalang The Seige na gawa naman sa stainless.

Pumasok kami sa isang malaking pinto. Hindi mo aakalaing bar ito--kung bar mang matatawag. Ang club na ito ay gawang lahat kundi sa marmol ay salamin. Lahat halos ng makikita ay mga babasagin.

Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na hinawakan ni Trace. Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

Pumasok kaming muli sa isang pinto at nakita ko na ang club na matatawag. Puno ito ng usok at dumadagundong na tunog mula sa stereo.

Trace was right, I wouldn't fit in here. I am way better than this.

"Lahat ng mga babaeng makikita mong nakaitim at nakapula, sila ay mga Concubine." Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong ang mga babaeng nakapula o itim ay nagsasayaw o di kaya'y nakikipaglampungan.

"G-ganyan din ba ang gagawin ko kung s-sakaling natuloy pala ako?" Umiling siya. Napakunot ako ng noo.

"Ang mga kinuha na ng Bacheler ay hindi na kailangang pumunta dito dahil babayaran na sila. Concubine ladies you see here don't have bachelers. Yung iba naman natutuwa lang pumunta rito." Paliwanag niya habang matiim na nakatitig sa akin.

"Yung ibang babaeng nakasuot ng ibang  kulay--"

"They're the Bachelorettes." Tinuro niya ang mga lalaking nakaitim na shirt. "Those guys are what wr call Beaus. When you see a man wearing tuxedo inside, they're the Bachelers." Napatango ako.

"A-ang gwapo pala nila." Hindi ko mapigilang mapahanga sa mga lalaking nasa loob. Kaya naman pala ganito kamahal dahil hindi sila basta basta. Maging ang mga concubine ay hindi mo iisiping ganito ang trabaho nila.

Tumingin ako kay Trace at napansin ko ang nakatiim niyang bagang. "What did you say?" Mariin niyang tanong.

"A-ang alin?" Kinakabahan kong tanong.

"You say they're handsome? Sino diyan? Tell me. I'm gonna fire them!" He said. His voice is dangerously serious.

Nanlaki ang mata ko. Seryoso ba ang taong 'to?

"S-seryoso ka ba?"

"What do you think?" Kumunot ang noo niya at muling nagtiim bagang.

"M-mas gwapo ka naman sa kanila. A-ano ba. Y-yun lang?" Pinagtaasan niya 'ko ng kilay.

Lumapit siya ng kaunti at hinapit ako sa baywang. "I don't like you being attracted to any other man aside from me. Ako lang dapat, Yuri. Ako lang."

Siniil niya ako ng isang mapusok na halik. Na para bang ito ang kaparusahan ko sa nasabi ko kanina. Humaplos ang kamay niya sa likod ko.

"Ako lang, Yuri. Ako lang dapat. You try to look at some random guy, I would make you regret the moment you laid your eyes on them." Bulong niya sa tainga ko.

"H-hindi ba masyado ka ng possessive, Trace?"

"Who cares? What's mine is forever mine." At muli niya akong hinalikan. Isang masuyong halik.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon