Twenty Five

15.9K 383 3
                                    

Note: Two updates again! Enjoy! -Cx

Kinakabahan ako habang inaayusan ako ng aking kapatid. Grade 11 pa lamang siya ngunit maalam sa mga ganitong bagay.

"Ate, gwapo ba kamo yung susundo sa atin?" Tumango lang ako. Ayokong nagsasalita kapag kinakabahan ako.

"Yassi, tapos na ba ang ate mo?" Sigaw ni mama mula sa labas.

"Hindi pa po, Nay!" Sagot ng kapatid ko.

"Aba eh, may nakaparada ng sasakyan sa labas. Eto na yata yung susundo sa atin." Sabi ni mama.

Tumambol ang lintik kong dibdib. Sinabi ko na kay mama na may nanliligaw sa akin at siya nga itong susundo sa amin ngayon. Pero hindi ko sinabi ang estado ng buhay ni Trace. Gusto ko munang makilala niya ito.

Lumabas ako ng kwarto kasunod ang kapatid ko.

"Nanay, ang gara ng sasakyan! Batid ko hong mamahalin iyon dahil Ford ang tatak!" Natutuwang kwento ng kapatid ko.

"Talaga ba, Yassi?" Tumango ang kapatid ko. "Yuri, mayaman ba itong manliligaw mo?"

Kinagat ko ang labi ko. "Opo, Nay."

Kumunot ang noo niya. "Pinakinggan mo ba ang payo ng mga tiya mong maghanap ng mayaman, Yuri?" Madiing tanong ni mama.

Umiling ako. "Hindi po, Nay. Kayo lang po ang pinapakinggan ko pagdating sa mga ganito. Saka ko na ho ikukwento. Naghihintay na ho siya sa labas."

Tumango si mama pero alam kong malalim na ang iniisip niya. Kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Nay, kung ano man po ang iniisip niyo, tigil na. Hindi po ako ganoon. Kayo po ang nagpalaki sa akin diba? Saka mabait po si Trace, Nay. Makikilala niyo rin siya."

Muling tumango si mama. "Nawa'y hindi nga ganoon anak. Dahil hindi kita pinalaking ganoon. Mahirap tayo pero hindi kailanman solusyon ang magasawa ng mayaman upang umangat. Mas masarap pa rin sa pakiramdam na umangat dahil sa ito ay pinaghirapan."

Ngumiti ako. "Alam ko po, Nay. Lagi ko po iyang isinasaisip."

"Yassi! Halika na!" Umalis na sa harap ng salamin ang kapatid ko. Natural na umaalon ang buhod niya. Naman namin ito sa aming ina. Maputi rin siya at payat kagaya ko.

"Ate, nakakahiya naman pala sa manliligaw mo. Tingnan mo nga itong suot ko. Eh hindi bagay sa sasakyan niyang mamahalin."

Sasagot pa sana ako ngunit pinutol iyon ng isang baritonong boses.

"Maayos naman ang suot mo." Napangiti ako habang hawak na ni Trace ang aking bag.

"Oo nga, Yassi. Maganda naman eh." Sabi ko. "Di bale, bibilhan kita ng bago sa susunod na linggo. Halika na."

Inalalayan ni Trace si mama na sumakay sa likod. Nagpasalamat si mama sa kaniya.

"Wala ho iyon." Sumunod naman ang aking kapatid.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat. "Salamat." Kumindat lang siya bilang tugon.

Namangha ang aking kapatid pagkababa ng sasakyan.

"Woah! Ate, ang laki ng unibersidad na ito! Mas malaki ba ito sa UP Los Baños? O sa Diliman?"

"Mas malaki pa rin ang Los Baños, Yassi." Sagot ko.

"Ganoon ba. Doon ko balak pagkagraduate ko. MagU-UPCAT ako, ate. Kapag matataas ang grado ko, pwede kong makuha ng 200 lang ang isang unit."

Napangiti ako sa pagiging pursigido ng aking kapatid. Malawak ang pangunawa niya at higit sa lahat ay mature kung magisip.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon