Naging magaan ang pagsasama namin ni Trace. Maaga akong gigising sa umaga and then I would cook him his breakfast. Napadali ang pagreresign ko sa company ni Lorenz. Madaling turuan ang kapalit niya.
Kaya naman sa mga oras na nasa trabaho si Trace ay na kina Yassi ako. Doon na rin pansamtala nakatira si Jarden. Nagpapagawa pa kasi siya ng bahay sa Pampanga.
Our house in Pampanga became our family's rest house. Dahil sa trabaho ni Jarden sa kanilang Engineering firm ay hindi siya makaalis ng Manila. Ayaw rin naman ni Yassi na iwan dito si Jarden.
Tuwing lunch ay dinadalhan ko ng pagkain si Trace. Nandoon pa rin si Izzy. Yes, I asked Trace to reject her resignation. Nagsorry na rin naman siya sa akin. Hindi na rin ako nagaalala dahil nagpalagay si Trace ng CCTV sa office at cubicle ni Izzy. That would only mean that she is monitored whenever she's inside the company.
They're still fishing information from her, this is why I take back my word. Ayaw pinaguusapan ni Izzy ang pagbubuntis ni Laura. Naghihinala talaga kami na hindi si Mark ang ama.
Why wouldn't she want to talk about her cousin's pregnancy? Lalo pa't nandoon naman si Mark? Dapat ay inisip niyang concern si Mark dahil siya ang ama pero tikom ang bibig niya. Ayaw rin naman siyang pilitin magsalita dahil baka maghinala siya. Pinapalabas lang nina Mark na concern siya sa baby.
Everything's under control, I must say. Wala na ring problema si Trace sa The Seige. Only that Dwight, the club's appointed president, was in a big trouble according to Trace. Ang expansion ng kumpanya ay maayos rin. Trace closed the deal.
"Ate, tumataba na ba 'ko? Tingin mo maghahanap na ng iba si Jarden?" Napabuntong hininga ako.
My sister becomes really emotional at times. Ilang beses na rin siyang pinagsabihan ni mama tungkol dito. Jarden was understanding. He always makes sure that Yassi's fine. Ito lang talagang kapatid ko ang paranoid.
"Kakatawag niya lang, ah? That means he cares for you. Wag ka ngang magisio ng ganyan." Bawal ko.
She shouldn't be stressed. Pero siya itong makulit. She asks me that questions frequently!
"Ikaw ba ate? Kailan ka mabubuntis?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
I stop taking pills. Gusto ko kasing sorpresahin si Trace kung sakaling may mabuo. Pero wala akong nararamdamang kakaiba. No morning sickness, cravings etc.
"Ewan pa." Bigla akong nalungkot.
I took pregnancy test thrice now. Pero puro negative. Nakakainis dahil kung kailan handa na ako ay doon walang nabubuo. Gusto ko pa man ding isurprise si Trace.
A sudden change of heart makes everything difficult and complicated. But that's who I am. Lumaki akong nakadepende sa mga nakapaligid sa akin ang mga desisyong ginagawa ko. It would always be about my family or friends. I would always think about other people. Kahit minsan, alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya sa desisyon ko, basta wala akong matapakan at walang maiisip na masasabi ang ibang tao, I would still choose the one that hurts but an easier escape.
"Ano ba kasing kinakatakot mo, ate? Obvious naman na sobrang mahal ka ni kuya Trace." Ani Yassi habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
Pinasadahan ko ng tingin ang maumbok niyang tiyan at ako'y napangiti. The sight of a pregnant woman is so adorable. Kailanman hindi ko naisip na matutuwa akong makakita ng buntis. Pero nagbago iyon ngayon.
"Natatakot ako." Yan lang ang naisagot ko sa aking kapatid.
Because it's true. There are a lot of unhappy marriages out there! Mayroong padalos dalos sila sa pagpapakasal, sa huli ay nagkakasawaan din. Nauumay sila sa tagal ng relasyon nila. Some people would always find another taste after another.
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...