Twenty Seven

14K 358 2
                                    

AN: Five updates? Why not! HAHA. Enjoy!

Mabilis kong niluto ang ulam namin para ngayong tanghali. Kailangan kong magmadali dahil kukuha pa ako ng NBI clearance. Isa kasi ito sa requirements para makapagapply akong WnA Group of Companies. Ayoko ring abusuhin yung closeness namin ni Trace kaya susunod ako sa patakaran.

"Ate, may nagpadala nga pala nito." Inabot niya sa akin ang isang sulat. "Tulog ka pa nung kumatok." Kibit balikat niya.

Inilapag ko muna ang sulat sa mesa. Gusto ko kasing sa loob ng kwarto ko basahin. Umaasa rin kasi akong galing ito kay Trace.

Nang matapos ako sa pagluluto ay nagmadali akong pumasok ng kwarto ko. Umupo sa study table at binuksan ang envelope.

Nanginig ang kamay ko nang mahulog ang mga litrato. Pictures, hindi sulat.

Napasinghap ako nang makita ko ang isang litrato ni Trace kasama ang isang babae. Familiar pero hindi ko maapuhap kung sino talaga.

Nanginig ang labi ko dahil sa paglipat ko ng sunod na litrato ay nakatalikod si Trace kaharap ang babae. Sa anggulong makikita ay mukha silang naghahalikan. Medyo nakatagilid pa ang ulo nito.

Sa mga sumunod pang litrato ay magkahawak kamay sila. Napansin kong hindi lang basta eksklusibo ang hotel na kung nasaan sila. No, it is not a hotel! Dahil nasa loob sila ng The Seige club!

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may kumukurot dito. Parang literal na pinipiga ang puso ko. Naguunahang tumulo ang mga luha.

Shit!

Hindi dapat mabahiran ng kung sinuman ang tiwala ko kay Trace. Hindi dapat. Alam ko ito eh. Sinisira lang si Trace sa akin. Parang sa mga teleserye at libro. Marami na 'kong nabasa at napanood na ganito, eh.

Think positive, Yuri. Kahit masakit, magtiwala ka lang.

Kumunot ang noo ko sa posibleng may gawa nito. May posible bang gumawa sa akin nito na kilala? I have no one. But Trace has Laura...

Laura!

Shit!

Muli kong tiningnan ang mga pictures. She is familiar! Yes, she is. Because the woman is Laura!

I've met her! Nang dinala ako ni Trace sa club, siya 'yung nanginsulto sa akin. She insisted that I was using Trace. Na pera lang ang habol ko sa kaniya.

Nagring ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Ibinaba ko ang picture. Napakagat ako ng labi. Awtomatikong tumulo ang luha ko.

Pinagiisipan ko pa kung sasagutin ko o hindi. Alam kong malaki ang posibilidad na may sumisira sa amin. Pero bakit magkahawak sila ng kamay? Why are they inside the club, in the first place?

Why are they so close to each other!

Namatay na ang tawag nang hindi ko sinasagot. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya.

I don't know how to make him feel that everything's alright when I know we're slowly falling apart.

Muli siyang tumawag wala pang isang minuto. Sa pangalawang pagkakataon ay tinitigan ko lamang ang pangalan niya sa screen.

Why would I even think that someone's messing with us when there was no 'us'. Ganito ang mahirap sa mga walang label eh. We seem too attached with each other, we let each other feel that we adore them. Pero walang label na magsasabi sayo ng karapatan mo sa kaniya.

Namatay muli ang tawag. Napapikit ako. Hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam.

Maya maya'y nagvibrate naman ito. Isang mensahe ang ipinadala niya.

Trace Andersen: Baby, I know you're there. Do we have a problem? Why won't you answer my calls?

Umiyak na lamang ako habang nakatitig sa mensahe niya. Mahal kita, Trace. Pero ano ba tayo?

Sunud sunod na ang pagvibrate ng phone ko sa mga texts niya. Sa bawat isa o dalawang minuto kasi ay may mensahe siya. Nanatili lang akong nakatitig.

Trace Andersen: Are you okay, Yuri?

Trace Andersen: Please baby, are you busy? Naiistorbo ba kita?

Trace Andersen: I miss you, baby.

Trace Andersen: Yuri...

Trace Andersen: Please baby. Wala ka bang load kaya di ka nakakareply? Do you want me to load you? Shall I?

Trace Andersen: I'll call you. Please answer me, Yuri.

Inilapag ko sa aking study table ang phone at humiga na ako sa kama.

I can't deal with him today. Not when I'm jealous. Baka kasi kung ano lang ang masabi ko. I don't want us to fight, too.

May tiwala ako sa kaniya. Pero ayoko munang makausap siya dahil baka magtanong ako. Natatakot ako sa pwede niyang isagot.

Nagising akong madilim na. 5:50 pm na! Bukas na lang ako pupunta ng NBI. Ang inaalala ko ay kung makakatulog pa ba ako mamayang gabi. O kung ano'ng oras na naman akong makakatulog.

Lumabas ako ng kwarto. Sinalubong ako nina Mama at Yassi.

"Hindi ka na namin ginising. Ang himbing ng tulog mo, anak." Tumango na lamang ako at umupo sa mesa.

"Ate, tumawag pala sa akin si kuya Trace." Napatingin ako sa kapatid ko.

"Ano sabi?"

"Kinukumusta ka. Ang sabi niya tumatawag siya sa'yo pero hindi mo sinasagot. Sabi ko naman, tulog ka kasi." Nakahinga ako dun.

I have an alibi then.

Sumulyap ako sa kapatid ko at nakitang nagtetext siya.

"Sino 'yang katext mo, Yassi? Mahilig ka na palang magtext ngayon. At kanino mo galing ang cellphone mo, ngayon ko lang alam na meron ka na pala niyan." Sabi ko sabay pinanliitan siya ng mata.

Nagulat siya sa tanong ko.

"K-kay kuya Jarden, ate. S-sabi niya kasi itetext niya daw ako para magtanong tungkol sa'yo kung sakali. Last week lang niya binigay." Sagot ng kapatid ko.

Tumango ako. "Siya ba ang katext mo ngayon?"

Umiling siya. "Tinext ko si kuya Trace, ate. Ang sabi niya kasi itext ko raw pag gising ka na."

Kumunot muli ang noo ko. "Alam mo ang numero ni Trace? At akala ko bang last week lang ang cellphone mo?"

Ngumisi ang kapatid ko sa akin. "Hindi ko rin alam kung paano niya nakuha ate. Saka ngayon lang naman siya tumawag. First time ngayon." Sumulyap siya sa cellphone niya. "At 'salamat' ang una at huling text niya sa akin."

Pinakita niya pa ang cellphone niya na may text nga nila ni Trace. Aksidente niyang napindot ang back kaya nakita ko ang pangalan ni Jarden na may puso sa phone niya.

"Crush mo si Jarden?" Tanong ko rito.

Nanlaki ang mata niya. "H-hindi." Awkward siyang tumawa. "S-si ate talaga! Saan mo naman yan galing?"

Ngumiti na lamang ako sa kaniya. Ayoko namang manghimasok sa love life ni Yassi. Kahit gustung gusto kong malaman ay hahayaan kong siya mismo ang magsabi sa akin.

"Sige na ate. Kumain ka na. Masama ang laging nalilipasan ng gutom." Aniya.

I prayed a silent prayer for the food. Pagdilat ko ay siya ring pagbukas ng pinto.

Nalaglag ang panga ko nang makita ko siya. I can't believe I'm seeing him right now!

Our eyes met. And for a moment, everything around us fades. Will I still doubt him? Now that he's here?

"Yuri."

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon