Fifteen

18.8K 437 1
                                    

Kinabahan ako sa sinabi ni Trace. Bakit niya iisiping iiwan ko siya pagka-graduate ko? Sabagay nga naman, wala naman talaga kaming label. Hindi malinaw sa amin kung ano kami sa isa't isa.

Inaamin kong natuwa ako kahit papano na ayaw niya akong lumayo sa kanya. Kung ako rin ang tatanungin ay ayokong malayo sa kanya.

Binabagabag rin ako ng tawag sa kanya ni Mark. Para kasing may mali. Parang may hindi magandang mangyayari. Sa pananalita pa lang ni Trace kanina ay alam kong hindi yun magandang balita. Sana ay maayos nila iyon.

Kinapa ko ang Iphone kong bigay ni Jenna nang marinig ko itong nagring bigla. Napangiti ako sa isiping si Trace iyon. Pero kaagad rin itong naglaho nang makita kong si Jenna ang tumatawag.

"Jen?" Pambungad ko.

"Uy, punta kang university. Ang gaga mo talaga! May practice tayo ngayon!" Napasapo ako sa noo.

Shit! Ano'ng sasabihin ko kay Trace? Nangako pa naman ako na hihintayin ko siya. Pero hindi rin ako pwedeng hindi magattend dahil inaasahan ako para sa bigayan ng speech. Syet talaga!

"Ah, ano, papunta na 'ko. Sige." Sabi ko na lang para hindi siya magduda.

"Osige. Bilisan mo hinahanap ka na nina Prof. Mercado. Ngayon mo babasahin sa harap yung speech mo."

"Sige. Salamat."

Pagkababa ng tawag ay kaagad akong nagayos. Napapikit ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kamay ni Trace na humahagod sa buong katawan ko.

Pinilig ko ang ulo ko. Dinampot ko ang underwear kong nasa sahig. Kinuha ko rin ang bra kong nakabalandra lang at nagbihis na. Napakagat ako ng labi. Naaalala ko kung paano ako paligayahin ni Trace kanina.

His wicked tongue on my. . Oh my! I flushed. Kahit ako lang namang magisa ay nahihiya ako. I kept on imagining Trace doing wonders in my body and I liked it. Gosh, no! I love it!

Lumalandi ang utak ko nang dahil kay Trace. He had taught me so many things. He made me feel this. And I can't stop thinking how pleasuring it was.

"Yuri, ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin sa practice na wala ka sa sarili." Puna sa akin ni Jenna.

"Oo."

Hindi pa rin ako makapaniwala na makakapagsuot ako ng itim na toga. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. Salamat talaga kay Jenna. Salamat rin kay Trace.

"Ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo, may iniisip lang ako." Sabi ko na lang at binigyan siya ng isang ngiti. Tumango siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagma/martsa nang may mag-announce.

"Calling Ms. Yuri Henares' attention. Please proceed to the Dean's office. I repeat, Ms. Yuri Henares, please proceed to the Dean's office." Napatingin lahat sa akin.

Binigyan ako ng nagtatanong na tingin ni Jenna. Umiling ako. Hindi ko rin alam.

"Baka may mali sa speech?" Sabi ko na lang dahil kahit ako ay hindi ko alam.

"Sige. Ingat ka. Balitaan mo 'ko." Habol niya.

Inescort ako nang Student Council president. "Bakit daw ako pinatawag?" Tanong ko kay Paulo na siyang president.

"Hindi ko rin alam eh. Pero imposible namang may nagawa kang di maganda. Ikaw pa!" Sabi niya sabay kindat sa akin.

Napangiti na lang ako.

"Akala ko snob ka." Bigla niyang sabi nang nasa hallway na kami.

"Ako?" Turo ko sa sarili.

"Oo. Matagal na kitang crush eh. Kaso mukha ka kasing snob." Napalunok ako. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong eksena.

"B-bakit mo sinasabi yan ngayon?"

"Kasi hindi ka naman snob. Tsaka matatapos na tayo hindi ko pa nasasabi. Gusto kong malaman mo." Sabi niya.

Nagkatinginan kami. Wala akong masabi. I'm speechless. Simula noon,  talagang mabait si Paulo sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Nasa may tapat na kami ng pinto pero tumigil siya. "Kung. . kung manliligaw ba 'ko ngayon, papayag ka?"

My jaw dropped. Literal ang naging pagnganga ko. He was pinning me on the wall. At ewan ko kung bakit hinahayaan ko lang siya.

Bumukas ang pinto. Hindi ko magawang tumingin dahil nahaharangan ako ni Paulo. Nakita ko na lang ang isang braso na tumulak sa kanya at ang kung sinong humila sa akin papasok.

Nahigit ko ang hininga ko.

Bumilis ang pagtibok ng puso nang makita ko ang galit na galit na si Trace. Naalala kong hindi nga pala ako tumupad sa usapang hihintayin ko siya. Lalo pa 'kong naguilty sa eksenang naabutan niya sa labas.

"Ano yun? Bakit ang lapit lapit nyo sa isa't isa?" Mariin at malalim ang boses niya. Halata ang galit sa tono niya.

"S-si Pau--"

"I know him. Now, answer me."

"U-umamin kasi s-siya na.."

"Na?" Naiinip niyang tanong.

"Na may gusto siya sa akin. G-gusto niyang..."

"Ano, Yuri?"

"Ligawan ako." Sagot ko. Napakagat ako ng labi.

"Anong sabi mo?" Umiling ako.

"Hindi ako nakasagot kasi hinila mo ko." Tumingala ako sa kanya. Kitang kita ko ang letter V sa noo niya. Sobrang kunot nito. Umigting rin ang panga niya.

"Kung hindi ba 'ko dumating. . papayag ka?" Ramdam ko ang takot at pagaalinlangan niya sa boses niya.

Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong ngumiti sa mga oras na iyon. Nababaliw na yata ako.

Umiling ako bilang tugon. "Sasabihin kong may iba na 'kong gusto." Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. Lumunok siya at lalong kumunot ang noo.

"Sinong. . gusto mo?" His eyes are dangerous. Kitang kita ko iyon. At hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil natutuwa ako sa nakikita ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil ayokong makita niya ang pagngiti ko. Baka kasi lalo siyang magalit. Hindi ako makasagot dahil sa isang pakiramdam na pilit kong inoorganisa.

"Yuri, are you inlove with someone else now?" His voice, for what I feel, is laced with sadness.

"Trace.." Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. What should I tell him now?

"Just tell me." Natakot ako bigla sa bosee niya. Hindi ko na maintindihan. Hindi ko na alam. Bakit nagagawa niyang iparamdam sa akin ang mga bagay na iyon?

Bakit nagagawa niya kong pasayahin ngayon? Pagakatapos ay kaya niya iyon baguhin kaagad? Bakit sobrang apektado ako sa kanya? Bakit hindi ko na mapigilan?

"Hindi. Hindi, Trace." I replied.

"Then who? Damn, Yuri!" He exclaimed as he pulled me towards him.

Mahigpit ang pagyakap niya. At gustung gusto ko iyon. Ramdam ko rin ang paghalik niya ng paulit ulit sa buhok ko.

"Ikaw ang tinutukoy ko, Trace. I was about to say I like someone else named Trace Winston Andersen." I said.

Tumigil siya sa paghalik sa buhok ko. Dahan dahan niya 'kong hinarap sa kanya.

"Anong sabi mo?" Hindi niya mapigilan ang pagngiti. Pilit niya iyong pinipigilan sa pagnguso.

"Gusto kita?"

"Bakit patanong? C'mon, tell me again. I wanna hear it."

"I like you--" Hinapit niya 'ko sa baywang at marahang hinalikan.

"You don't know what that confession of yours made me fuckin' feel." He whispers in between kisses. "And you don't know how you fuckin' made me feel when you left my condo without telling me."

And from his voice, I know it is fear.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon