Twenty Three

17.6K 412 0
                                    

"What?!" Nagulat ako sa sigaw ni Trace mula sa sala. Nagmamadali kong tinapos ang nilulutong adobo para sa tanghalian at lumapit sa kaniya.

"Trace, ano'ng nangyayari? May problema ba?" Napakunot ako ng noo sa magkahalong iritasyon at pagaalala da mukha niya.

"Nothing, baby. Ayusin mo na muna ang hapag, okay? Para makakain na tayo at makauwi na rin itong dalawa." Tumango ako at inihanda na nga ang mga kubyertos, kanin at ulam sa mesa.

Naririnig ko rin na naguusap silang magpipinsan ngunit wala akong maintindihan. Ang alam ko lang ay talagang problemado si Trace. Ayoko namang manghimasok dahil baka lalo lang ako makagulo.

Lalapit pa sana ako sa kanila nang mapahinto ako sa kanilang pinaguusapan.

"You haven't attended the Seige Night, Trace. She was expecting that you'd screw her. Kaya nagalit talaga siya nang hindi ka sumipot." May parang kumurot sa dibdib ko sa narinig mula kay Mark.

Hindi ako magkukunwaring hindi naiintindihan ang usapan nila. They were obviously referring to the Privilege Night.

"Tss. I don't care." Matabang na wika ni Trace.

"She's really obssessed, Trace. Baka pati si Yuri madamay sa init ng ulo niya. The girl is seriously sick! You need to get rid of her before he hurts your girl." Litanya naman ni Hans.

"You don't have to tell me that, Hans. I know what to do." Sagot ni Trace.

"Tss. Kung sa akin mangyari yan at alam kong manganganib ang babaeng mahal ko, baka ako mismo ang pumatay sa babaeng yan!" Ani Hans.

"I would tie my girl on bed and never let her out of my sight, if that happens to me." Ani naman ni Mark at saka nagkibit balikat.

"Could you fuckin' stop?! I know what to do! If I'll have to kill that woman for Yuri, I would! Just shut up! I'm thinking!"

Sa sinabing iyon ni Trace ay bumalik ako sa kusina at huminga ng malalim. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa kaba. Natatakot ako sa galit ni Trace pero mas nangingibabaw ang saya.

Handa niyang gawin iyon?

Napatalon ako nang magring ang cellphone ko sa ibabaw ng counter. Nakalimutan kong tatawagan ko nga pala si Jenna. Mabuti na lang at tumawag siya dahil totoong nakalimutan ko.

"Yuri! Nasaan ka ba? Graduation na bukas, wala ka sa practice kahapon!" Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya.

"Ayos lang ako, Jenna. Uhm, bukas na 'ko magpapaliwanag. Uuwi rin ako mamaya."

"Basta! Bukas na 'yung graduation! Nakuha mo na ba 'yung susuotin mo? Nakapag-pictorial ka naman diba?" Tanong niya.

"Oo, no'ng isang araw pa. Pero hindi ko pa nakukuha yung isusuot bukas eh."

"Osige. Kukunin ko na rin ngayon tutal ay nasa univ ako ngayon."

"Salamat talaga ha, Jenna. Promise, uuwi ako mamaya at magpapaliwanag."  Sabi ko.

"O siya sige. Ibababa ko na. Ingat ka!" Tumango ako at ibinaba ang tawag. Sunod kong dinial ang number ni mama.

"Anak!" Salubong ni mama.

"Nay, nasaan na po kayo? Kumusta?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni mama. It's been a long time.

"Maayos naman ako, 'nak. Nasa istasyon kami ngayon ng bus. Pa-Maynila na kami ng kapatid mo." Sabi ni mama sa kabilang linya.

"O sige ho. Magiingat po kayo."

"Ikaw rin anak." Napabuntung hininga ako nang ibinaba na niya ang tawag. Sa wakas, makikita ko na rin sila.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon