Nineteen

17K 371 12
                                    

Dalawang araw nang hindi nagpapakita sa akin si Trace. Nakakainis dahil alam kong kasalanan ko. Inaamin kong kung ako ang nasa kalagayan ni Rain ay baka nga gawin ko rin ang ginawa niya.

Pero inaamin ko ring hindi ko pa kayang mawala siya sa akin. We have no label, yes. Maari ngang ipinakilala niya akong girlfriend niya pero hindi naman kasi ako nasabihan.

Hindi rin naman sa nagiinarte. Gusto ko rin naman pero masyado yatang mabilis.

"Yuri, kanina ka pa hindi mapakali. Kinakabahan ka ba mamaya?" Nakangising tanong ni Jenna.

Tumango na lang ako para di na siya magalala at magtanong pa.

"Don't worry, nandito naman ako eh. Enjoy dun, promise!" I gave her a weak smile.

Ang totoo niyan ay hinihintay ko lang talaga si Trace. Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin siya. Sabi kasi niya sa akin ay siya ang magsusundo.

"Yuri, malelate na tayo. Please, hindi na darating si Mr. Andersen. He's probably busy or something.." Jenna said with sympathy.

Tumango na lang ako at tumayo na. Ayoko ring umasang masyado dahil natatakog rin akong masaktan ng todo. Nakakatakot masaktan. Hindi dapat ako masaktan. Hindi dapat.

Sumakay na kami sa kotse ni Jess, ang boyfriend ni Jenna. We rode into his Audi in silence. Wala ni isa ang nagsasalita. Feeling ko ay nakikisimpatiya lang talaga sila sa akin.

"Yuri," Jenna called out of the blue.

"Yes?"

"Baka busy lang yun, okay? 'Wag kang magisip isip ng kung anu ano." Ngumiti lang ako sa kanya.

Nagalit siya sa akin nung huli kaming nagkita, so mas maganda ngang 'wag na 'kong umasa na darating pa siya. Knowing Trace, he isn't a patient man.

Nakarating na kami sa venue. Maganda iyon, oo. Pero hindi ko makuha sa sarili ko na i-appreciate iyon. Hindi ko makapa sa sarili ko ang saya.

I saw my schoolmates ready to party. They're all happy and excited. Nagsimula na ang party at lahat ay nanatili lang akong nakaupo sa mesa namin.

Hanggang sa magsimula na ang sayawan. Maingay ang music. May mga palihim na nagdala rin ng alak.

"Hi," Bati sa akin ni Lawrence.

"Hello." I greeted back.

"Pwede ba kitang maisayaw?" Tumango ako at inabot ang nakalahad niyang kamay.

We dance the All of Me sung by John Legend.

"Ang ganda mo talaga, Yuri." Inalala ko ang hitsura ko ngayong gabi.

I am wearing a simple pink yet elegant dress bought by Jenna. Simple lamang iyon. It hugs my body firmly that's why my curves were defined.

"Hatid na kita?" Tanong niya. "Ang dami kasing nagaabang sayo eh." Saka siya nagpout.

Nang makarating kami sa mesa ay may naglahad na ng kanyang kamay kahit hindi pa ko nakakaupo.

"May I have a dance with you?" Ibinagay ko rin ang kamay ko sa kanya. Yun pa rin ang kanta.

"You are the most beautiful girl in this party, Yuri. I'm glad I had thia chance." Sabi naman ni Paul.

"Thanks." Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw hanggang sa matapos ang music.

Naging ganoon ang buong gabi ko. Hindi ko rin mabilang kung ilan na ang mga nakasayaw ko. Gusto ko na lang umalis dito dahil sa totoo lang ay hindi rin ako nageenjoy. Gusto ko na lang umuwi.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon