Thirty Six

14.7K 413 25
                                    

Prente akong nakaupo sa isang coffee shop malapit sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko nang maaninag ko ang isang lalaking papasok. He's wearing a doctor suit.

Nanlaki ang mata ko nang makilala iyon.

"Yuri!" Niyakap niya ako pagkakita sa akin.

"Dr. Leonardo Ablaza!" Bati ko. Ngumisi siya sa akin. "Wow! Napakaunexpected nito! How are you?"

"I'm fine!" Maligayang wika niya. "Ikaw? Kumusta ka na?"

Leo is my college friend, too. Jenna introduced him to me. Naging classmate ko siya sa isang subject noon. Leo's a dean's lister way back in college. Hindi na 'ko magtataka kung isa na siyang successful na doktor ngayon.

"Mabuti naman din. Wow! Lalo kang gumwapo!" Puri ko pa kaya tumawa ito.

His chinky eyes got smaller as he smiles. Kaya maraming nahuhumaling sa kaniya noon eh. Dahil sa mga mata niyang kahit singkit ay mapupungay.

"Bolera ka na ngayon ah!" Tukso niya. "I've heard Jenna's engaged!" Aniya.

Ngumiti ako. "Yep! Lorenz is a good man."

"Eh ikaw? Kailan ka magaasawa?" Tanong nito na ikinagulat ko.

Come to think of it, I'm not getting any younger. Kahit man lang nobyo ay hindi pa ako nagkakaroon. Hindi ko alam kung may sumpa ako o ano. Pero malas talaga ako sa pagibig.

Maybe it's not for everybody.

Umiling ako bilang tugon. "NBSB ako. Mas priority ko ngayon ang pamilya ko. Lalo na't buntis si Yassi."

Nanlaki ang mata ni Leo. "Really? Naunahan ka pa niya?" Natatawang sabi niya kaya pabiro akong umirap.

"Oo. I'll send you the invitation for their wedding. Next year pa naman 'yon." Sabi ko.

"Right! And Jenna's wedding, too." Sabi niya habang tumatango-tango. "Pero yung sinabi mo? NBSB?" Nangunot ang noo niya at tila nagtataka.

I raise my brow. "Hindi ba kapani-paniwala?"

Tiningnan niya ako na animo'y may malalim na iniisip. I think I know this.

"I thought you were with Winston Andersen? Remember, nung graduation? Talk of the town kayo!" Ani Leo.

Nagiwas ako tingin at ininom ang lumalamig ko ng kape. How I wish my feelings for him is just like coffee. Lumalamig kapag tumatagal nang napapabayaan.

Umiling lang ako at bahagyang tumawa.

I've never had a boyfriend. Dahil lagi itong nauunsumi. Noong kay Jarden ay nagkahiwalay kami dahil sa mga pangarap namin. We want to grow separately and find our ways back to each other in the right time.

Yet our time did not come. Because when he came back, I am already in love with someone else. I am too attached to Trace that I cannot remember how it felt like when I was with Jarden.

Being with Trace made my moments with Jarden fleeting, a phase that is meant to forget and get over with. Compared to ours, it was deep. Para akong malulunod sa pagaaruga at pagmamahal niya. But I am too weak to fight my demons. I am insecure and doubtful.

In the end, he gave up.

"Wow!" Iling niya. "Would you be my date then?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Is he freakin' serious? Pero handa na ba ako? Because I think I am not. Kasi kung handa na 'ko, hindi ko siya iisipin sa mga ganitong pagkakataon. That I'd still think about my loyalty to him.

Anyway, wala naman sigurong masama kung subukan ko hindi ba? It's not bad to date. Iyon lang naman. It's not as if I'm going to open my heart again. Damn, it's just a date! Pinapalaki ko pa!

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon