Thirty

15.4K 389 4
                                    

Ikinwento ko lahat kay Trace ang nangyari. Buong gabi ko siyang katawagan.  He's a good listener.

"You really are fine just here?" He asks for the nth time. Natawa ako. Nasa Chowking kasi kami ngayon. Dito ako nililibre noon ni Jenna.

Speaking of her, magkikita nga pala kami sa makalawa. Sabay kaming magaapply sa WnA. Jenna is by the way a Cum Laude. She's gifted, isn't she?

Nagorder na kami at kumain. Hindi pa makapaniwala si Trace sa naabutan niya sa hapag.

"Really? Fried rice? Ano 'to, almusal?" Tiningnan ko siya ng masama kaya nanahimik siya.

"Paborito ko 'yan. Pasensiya na kung dito kita dinala. Wala kasi akong pera-"

Tumunog ang mesa gawa ng mga nagalaw na kutsara. "Who says you're going to pay?"

Nagkibit na lamang ako ng balikat at kumain na. Hindi niya alam na noong pinaupo ko na siya sa table namin at nagorder ako sa counter ay binayaran ko na.

He almost forgot that we won't dine in a fine restaurant. I'm sure he'll realize it soon. Pinilit ko lang talaga siyang mauna na dahil ikinatwiran kong baka maubusan kami ng table. Brilliant, Yuri.

"Damn it!" Aniya.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "You already paid." He hissed. Luminga siya sa counter kung saan may nagbabayad ng ale.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Pinanlakihan ko siya ng mata at tumawa. He's still irritated tho.

"I should have known, dammit!" He cursed under his breath.

"Hindi naman 'yon big deal-"

"Big deal iyon dahil pinagbayad kita!" Sabat niya.

"Na-hurt lang ang ego mo."

Umiling siya at tumitig sa mga mata ko. "I want to make you my queen. At ang pagbabayad mo sa kinain natin, doon pa lang, I failed. Damn."

Tumawa ako.

"And you are laughing at this?" He asks in disbelief.

I shook my head and gnaw my last meal. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang masama lang ang tingin sa akin.

I turned the stereo on while we rode in silence. Pagkatapos kasi naming kumain ay di na niya ako pinansin.

"Trace, sorry na. Next time, okay?" Untag ko.

Tumingin siya sa akin. Sakto pang nagstop kami dahil red light. Ngumuso siya.

"Oh?" Aniya.

"Ha?"

"You said if I pout, you'll kiss me. Where's my kiss, now, hm?" Humagalpak ako ng tawa.

I can't believe he said that! I mean, for someone like him? Shit. That was hilarious for me! I would understand if we're teenagers though. Well, I am turning twenty two. Pero si Trace?

"Mamaya na." Sagot ko na natatawa.

Sumimangot lang siya at nagpatuloy na sa pagdadrive.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon