Dalawang linggo na akong nandito sa probinsya. Mexico, Pampanga is refreshing. Parang kailan lang ay tumatakbo pa ako sa kahabaan ng aming kalye.
Sa aking unang linggo dito ay walang sawang tumatawag sa akin si Trace. Para bang hindi mabubuo ang araw niyang hindi ako matawagan. He's worried sick!
Pero nang pangalawang linggo na ay naging busy na siya at malimit na lamang siyang tumatawag.
Sinabi naman niya sa aking magiging busy siya pero hindi ko lang maiwasang magtampo minsan. Isang araw ay tunawag ako.
"Trace? I miss you." Malambing kong wika.
"I miss you too. Sige na, may gagawin pa 'ko eh. I'll call if I have free time, 'kay?" Aniya.
Napakagat ako ng labi. Sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. Tatlong araw na ganon ang nangyayari. Minsan ay nakakatulugan ko ang paghihintay ng tawag niya pero wala.
"Yuri!" Tawag ni mama mula sa kusina.
"Po?"
"Tawagan mo na nga ang kapatid mo at malapit ng maluto itong ulam." Tumango ako at tinawagan agad si Yassi.
Dalawang ring pa at sinagot niya rin ang tawag.
"Yassi, nasaan ka ba? Hindi ka ba dito kakain?" Tanong ko.
"Eh ate, kasama ko 'yung manliligaw mo." Kumabog ang puso ko sa pagaakalang si Trace iyon. "Ang sweet nga ni kuya Jarden sayo, eh!" Kinikilig pang wika ng kapatid ko.
"Kasama mo siya?"
"Oo ate. Diyan din siya kakain. Heto nga at pauwi na kami. Namimiss ka na daw niya!" My sister beamed.
Bumuntong hininga ako. "Bilisan niyo. Hinahanap ka na ni mama.."
"Sige ate! Yiee!" Napailing na lamang ako at pinatay ang tawag.
Bumaling ako sa aming ina. "Nay, kasama raw ho ni Yassi si Jarden. Dito rin ho kakain."
Nanlaki ang mata ni mama at nagpunas ng kamay. "Si Jarden ba kamo? Yung kababata mo?"
Tumango ako.
"Aba, mabuti kung gano'n. Isang linggo rinh hindi dumadalaw iyon." Sabi niya. Hindi ako umimik kaya nanliit ang mata niya sa akin. "Eh si Winston ba eh tumawag na sayo?"
Napasinghap ako at umiling. Nangilid ang luha ko.
Kaagad naman akong dinaluhan ni mama. "Shh.. Baka busy lang 'yong tao.." Pagaalo niya.
"Eh nay, kahit busy naman iyon tumatawag siya at sinasabi niya sa akin eh!" Iyak ko. "Pero bakit ngayon, nakakaya niyang patulugin ako nang hindi tumatawag? Nagaalala na po ako."
Hinaplos niya ang likod ko. "Intindihin mo na lang. Alam mo namang busy'ng tao iyong nobyo mo.."
Umiling ako. "Hindi pa po kami nay. Kaya siguro tingin niya ay hindi siya obligado na tumawag."
Pinunasan ko ng palad ang mga luha ko. Siguro nga kaya parang okay lang sa kaniya ay totoong hindi naman kami. Wala naman kasing kami kaya siguro okay lang sa kaniya na hindi magparamdam.
Dumating sina Yassi at Jarden. Humalik agad ang kapatid ko sa aming ina samantalang nagmano naman si Jarden.
"Aba'y kay gwapo mo talaga, hijo." Ngumisi siya kay mama.
"Kayo talaga! Binobola niyo na naman ako." Tumawa naman si mama. "Nagdala rin po ako ng cake para maging dessert natin. At saka eto rin pong Nilagang baka. Alam kong paborito ito ni Yuri."
Sumulyap siya sa akin. Tipid ko siyang nginitian.
Naging madaldal si Yassi sa hapag. Kwento siya ng kwento habang tawa naman ng tawa si mama.
"Kain ka pa." Wika ni Jarden saka nilagyan pa ng kanin ang plato ko.
"Ayos na 'ko." Sagot ko.
"Uyyy! Si ate oh, pakipot pa!" Pangaasar ng kapatid ko.
"Tigil na nga, Yassi. Kumakain." Saway ni mama sa kaniya.
Tahimik kong tinapos ang pagkain ko. Ewan ko ba pero wala ako sa mood. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa tumatawag si Trace.
Napansin yata ni mama na wala akong gana kaya ang kapatid ko ang inutusan niyang magligpit.
"Magpahinga ka na, Yuri. Si Yassi na ang bahala dito." Tumango ako.
Sumunod sa akin si Jarden hanggang sa sala.
"Okay ka lang ba, Yuri?" Tumingin ako sa kaniya at tumango. "Sigurado ka?"
"Oo, Jarden. Pasensiya ka na. Masama kasi ang pakiramdam ko eh." Tumango naman siya sa akin.
"Sige. Wrong timing pala ang pagdalaw ko kung ganon." Aniya.
Naguilty naman ako doon. Pero wala talaga ako sa mood ngayon. Gusto kong humiga lanang at magpahinga.
Saktong pagpasok ko sa aking silid ay ang pagring ng aking phone. Lumundag ang puso ko nang makitang si Trace ang tumatawag.
"Yuri!" Aniya sa kabilang linya
Kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na nakakaiyak pala ang maging masaya.
"Trace, akala ko hindi ka na tatawag. Miss na miss na kita!" Suminghot ako.
"Are you crying?" May bahid ng pagaalala sa tono niya. "Bakit? Baby, why are you crying? May nangyari ba?"
Lalo akong napaiyak. "Namimiss lang kita, Trace. Akala ko hindi ka tatawag."
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Pasensiya ka na, baby. May mga inaasikaso ako kaya ganon. I miss you so much more."
Humiga ako kama at niyakap ang unan ko. "Trace, ayaw mo bang pumunta dito?"
Hindi siya kaagad nakasagot. "I-I'm sorry, baby. Hindi pa pwede eh."
Animo'y may gumuho sa aking mundo. Hindi ba't kung tutuusin ay kayang kaya naman niya iyon? Malapit lang naman ang Manila sa Pampanga. Isa pa, ang dami niyang pwedeng gamitin sa pagpunta niya rito.
Hindi ko alam pero tumabang ang pakiramdam ko.
"Ganon ba." Malamig kong tugon.
Napansin yata niya iyon. "Look, baby. Hindi pa talaga pwede ngayon dahil may inaasikaso ako. If you just please, wait a li'l more..." Napapikit ako sa nagsusumamo niyang boses. "Pupunta rin ako diyan."
"Okay." Sagot ko. "Sige na. Tinatawag na 'ko ni mama. Ibababa ko na."
Hindi ko na siya hinayang makapagsalita at pinatay ko na ang tawag. Nawalan na rin ako ng gana.
OA na kung OA. Pero big deal iyon sa akin. Kung ang iba ay nakakarating ng ibang bansa para makasama ang mahal nila, siya pa ba na ilang kilometro lang ang layo?
Naguunahang tumulo ang mga lintik kong luha. Bakit ang hirap para sa kaniya na iwan ang kung ano'ng mayroon sa Maynila?
Ah! Oo nga pala. Hindi naman kami. Kaya paniguradong hindi naman importante sa kaniya kung anuman ang maramdaman ko. Okay lang sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako. Feeling ko nga ay sobrang clingy ko na.
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi naman ako ganito dati. Kaya dapat hindi ako maging ganito.
Dapat akong magtiwala diba? Hihintayin ko siya.
Nakatulugan ko ang ganoong pagiisip. Sanay tangayin ang lahat ng pangamba ko sa aking pagtulog.
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...