Forty One

15K 332 3
                                    

Trace informed me that Laura is finally inside the prison. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. She's pregnant! I don't know if she'll get a special treatment because of that but I wish she would.

I'm not even sure if she'll get the proper medication and check up while inside the prison. I suddenly pity her.

Nadatnan ko si Mark na nakatungo sa aming mesa habang kausap si Trace. Hindi ko na lang ipinaalam ang presensya ko at nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng meryenda.

"I doubt I'm the father, too. Pero naaawa pa rin ako sa kaniya, bro. She's still pregnant." Ani Mark.

Dala dala ko ang isang pitsel ng juice at ang sandwich na ginawa ko.

"Thanks." Sabi nilang pareho. Nginitian ko sila bilang tugon.

I was about to go when Trace grabs me by my waist. Napaupo ako sa hita niya. Sumipol si Mark.

"Ang laswa mo, dude!" Asar ng kaniyang pinsan. "Di bale, parating na si Hans. I won't have to deal with your sweetness. Ew!"

Natawa ako kay Mark samantalang ngumitu at umiling lang si Trace. I like seeing their closeness. It reminded me of Yassi and I. Para tuloy bigla kong namiss ang kapatid ko. Nakakapanibago lang na malapit na siyang maging ina.

Speaking of, I know my sister would be a great mother. She was raised with a mom like ours. Dapat lang na kung paano kami pinalaki ay ganoon din siya sa anak niya. On the other hand, I wonder idly what kind of mother would Laura be. Would she be kind?

"Handa mo bang akuin kung sakaling ikaw nga?" Tanong ko kay Mark. Medyo nagulat siya roon.

Nagseryoso siya bigla. "Oo naman. I will fight for the custody of my child, kung akin nga."

Ngumisi si Trace at inakbayan ako.

"Kung bubuntisin mo lang din, siguraduhin mo na kasing yung mahal mo." Ani Trace saka humalik sa aking buhok.

Sasagot pa sana si Mark pero biglang pumasok si Hans. "Deym! Kita ko 'yun, dude!" Aniya kay Trace saka nakipagfist bump.

"Sukang suka na nga 'ko eh." Tawa naman ni Mark.

"So kumusta naman daddy Mark?" Tukso ni Hans sa pinsan.

"Mabuti pa naman. Ikaw, kailan ka makaka-score? Loser!" Mark teased back.

"Malapit na. Eh ikaw, laslas na bro!" Nagtawanan kami lahat.

Somehow, I think Mark's burden lifted a bit. Hindi naman kasi yata talaga niya ginusto yung nangyari. Is it vain to wish that Mark's not the father? Would that affect the child?

Pinagusapan pa nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Laura. Ang mga posibleng ama at ang mga nakasama niya recently. They have her investigated.

"Hindi pa ba alam kung ilang weeks na?" Tanong ko.

"Hindi pa eh."

It would be easier only if we know kung ilang months na. I'll gladly help dahil kahit papano ay may alam din ako sa pagsama sama ko sa aking kapatid.

"S'ya nga pala, willing na makipagnegotiate ulit si Mr. Corrigan. Only if the construction will be done within the year. Yun kasi ang sabi niya." Sabi ni Mark.

"Is that even possible? Gumagawa siya ng sarili niyang conditions," Sagot ni Trace.

"It's his privilege, Trace. He could do revisions in the contract as discussed and agreed by both parties." Si Mark ulit.

"Bakit kasi siya ang pa napili mo, Hans? Ang yabang nun!" Iritadong tanong ni Trace.

Itong tinutukoy nila ay ang business na ioopen ni Hans. They need an investor and Mr. Corrigan is a big asset.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon