Forty

14.7K 317 1
                                    

AN: Natatawa ako habang sinusulat itong chapter na 'to. The plot was originally all about The Seige Club and yet, ngayon ko lang siya talaga pinasok sa story. My bad. Haha! Anyways, ENJOY!

-

Dinala ako ni Trace sa The Seige club. Panay ang lunok ko sa kaba. Today, he's resigning as the Supreme Bacheler. That's if they'd allow him to. Kasalukuyan siyang nasa isang conference room para doon.

Kalahating oras na ako dito sa loob ng kaniyang office sa club. He's a minimalist. Black and white lamang ang naririto sa loob ng kaniyang opisina. Unlike his office in WnA Bldg which has a touch of Gray. His interior designers must be really good.

Nagpasya akong maglibot sa inip. Una kong pinuntahan ay ang mga salon at spa, naroroon ang ibang mga concubine at bachelorettes. The place was made with marbles and tiled walls. The ceiling and  its chandeliers around look perfect for the place.

Sa hallway ay panay black ang kulay. If not because of the white walls and nude posts, bala isipin kong nasa horror movie ako. The whole place looks elegant and classy. No touch of classic, just pure modern style.

The big jars with mosaic, the nude  paintings hanging around the wall, everything is actually beautiful.

Naalala kong may munting rancho sa likod nito. Lumabas ako sa backdoor at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga makikisig na binata na nangangabayo. Para tuloy nasa countryside ako sa nakikita ko.

Malawak ang lupa dito. Nabanggit sa akin ni Trace na hindi lamang sexual satisfaction ang benefits na makukuha rito. They have indoor and outdoor activities inside the club. This place is really made to refresh and just enjoy.

Sa aking paglilibot ay may nakasalubong akong isang lalaking maskulado. He looks at me from head to toe and then he smirks.

Nilagpasan niya ako ngunit naroon pa rin ang nakakatindig balahibo niyang titig. Going alone here I guess was a bad idea.

Nang malapit na ako sa lobby kung saan ako iniwan ni Trace ay nakita ko siya sa information desk. He's pacing back and forth. Nang tumigil siya at nagtama ang paningin namin ay huminga siya ng malalim.

"Pinagalala mo 'ko!" Salubong niya sa akin.

"N-naglibot ako. Nainip kasi ako." Sagot ko.

Tumango siya at humarap sa babaeng nasa info desk. "I found her."

Nagpasalamat si Trace at pagkatapos ay nagaya ng umuwi. Dumiretso kami sa parking lot kung saan siya nagpark. Sa aming paglalaka ay nakita kong muli ang malamig na titig ng lalaki kanina.

Natigil ako sa paglalakad at napahawak sa laylayan ng coat na suot ni Trace. Napakunot ang noo niya sa ginawa ko.

"Hey," Untag niya.

He followed my gaze. Nagtangis ang bagang niya nang makita ang lalaking maskulado.

"Don't mind him." Aniya at inakbayan ako patungo sa kaniyang kotse.

Umikot siya papuntang driver's seat. Pinanood ko siyang buhayin ang sasakyan. I can't help but admire him in everything that he does.

"Sino ba 'yun?" Tanong ko sa kalgitnaan ng biyahe.

"An old client of mine and a member of the club. He's harmful, baby. So please, when I bring you the club again, don't go anywhere without me." Sabi niya.

Pinatong niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kamay kong nakapahinga sa aking hita. Tumango ako at ngumiti.

"Kumusta pala ang naging paguusap niyo kanina?" Tanong ko.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon