Forty Four

13.7K 284 1
                                    

Eksaktong alas tres ay nakaayos na 'ko. Ako lang magisa. Hindi ko na inabala pa ang kahit sino. Si Jenna man o aking kapatid. I want to go alone. I want to know the result alone.

"Leo!" Tawag ko sa dati kong kaklase, na isa na ngayong doktor.

Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako. Ang foreign features nito ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya. Probably why half of the girls in our batch like him. Though I must say, kahit na alam niyang gwapo siya at maraming nagkakagusto sa kaniya ay hindi siya nagti-take advantage.

"Yuri! Ano'ng ginagawa mo dito?" Salubong niya sa akin.

"Gusto ko sanang magpa-check up.."

Kumunot ang noo niya. "May sakit ka? Nasaan ba si Trace? Ba't di mo kasama?"

Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. Ayoko munang malaman ni Trace. Ako ang magsasabi sa kaniya sa magiging resulta. Personally. Whatever the result might be.

Umiling ako kaagad. "No! I mean.. Busy kasi siya. Hindi ko na siya inabala.." I hope he won't anymore argue with this.

Hindi natanggal ang pagkakunot ng noo niya. "At least tell him you're sick -"

"No!" Agap ko. "I... I am going to surprise him actually.." Nakita ko ang pagaliwalas ng mukha niya. I think he gets my point.

"I know an OB." Aniya kaagad.

Ngumiti ako. "Exactly why I went to you. Kindly refer me to your best OB. Please.."

Sandaling kumunot ang noo niya. "Of course, Yuri. I'll refer you to our hospital's best OB. M-may problema ba? I mean, we're hiring only those who qualify you know.. With the requirements.."

May pagaalinlangan sa boses niya. Parang may gusto siyang itanong o sabihin. Mapanuri rin ang mata niya. Of course, he's a doctor! He knows when his patient is lying about his or her health. And I am so obvious!

"Please, Leo..."

Nakita kong gumalaw ang bagang niya. Tumango siya at marahan ako iginiya papunta sa isang OB. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya.

Kumatok siya ng tatlong beses sa isang pintuang may nakalagay na Dr. Gina Silverio, OB Gyne. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kaniya sa loob.

"Doc Leo! What a pleasure.." Bumaling ang tingin ng doktora sa akin. Medyo may edad na siya, I could see that through her neck. Medyo may kulubot na iyon. Nevertheless, she's still pretty in her age.

"Your wife?" Tanong ng doktora na nagpatawa kay Leo.

"No, Doc. She's a friend of mine. She told me to refer her to the best OB so..." Tumawa ang doktora sa pambobola ni Leo.

"You flatter me too much, Leo!" Anang doktora.

"Yuri, this is Dr. Gina Silverio, the best OB in this hospital." Ngisi ni Leo. "And Dr. Gi, she's Yuri. I hope you give her the best service."

"Of course, doc Leo!"

Nakipagshake hands ang si Dr. Gina sa akin na malugod kong tinanggap. Maya maya ay pinaupo niya na ako sa harap niya.

"I'll leave you two now. Just call me when you need anything, Yuri." Tiningnan ko siya at ngumiti.

"Salamat." Tumango naman siya bilan tugon.

"Doc.." Aniya tsaka na lumabas.

Sinabi ko kay doktora ang problema ko. Nahihiya man ako pero sinabi ko lahat. Pati ang madalas kong pagbiling pregnancy kit. Tumatango tango siya habang nakikinig sa akin.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon