Twenty Nine

15.1K 372 3
                                    

Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin.

"U-uhm, Trace siguro mas maganda kung magbihis muna tayo." Pukaw ko ng atensyon niya. "Baka abutan tayo nina mama ng ganito." Dagdag ko pa.

Tumango siya at nagsimang magbihis. Ganoon din ako. Tahimik at kapwa nagpapakiramdaman lamang kami. The awkward silence makes me want to run.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa pinto upang lumabas sana. Para kung dumating man sila ay nasa labas kami at hindi sila magduda.

Pagkahawak na pagkahawak ko sa door knob ay kaagad pumulupot ang kamay ni Trace sa katawan ko. Hinalikan niya ang ulo ko mula sa likod.

"Let's talk baby, please." Pumiyok ang boses niya.

"Sa labas na." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at lumabas na.

Alam kong nakasunod lang siya sa akin kaya dumiretso ako sa sala para makapagusap kami. Ayoko na ring magtagal ang hindi namin pagkakaintindihan.

Sabi ko nga, may tiwala ako sa kaniya. Pero hindi ko maiwasang di magselos. Lalo pa't halos dalawang buwan kaming hindi nagkikita.

Nang makaupo ako ay kaagad na akong nagsalita. I want to spare us from another torturing silence.

"Bakit hindi ka nakakagawa ng paraan na pumunta dito? Mayaman ka at kayang kaya mo yun pero hindi mo ginawa. Pero ngayon, heto ka, nanunuyo. This only proves that you can pero ayaw mo." Mariin kong sabi.

Huminga siya ng malalim. "Dahil ayokong makita ako ni Laura. She will try to get close to you, Yuri. She will get mad because I am giving you too much attention."

"So kayo nga?" Malamig kong tanong.

"No!" He hissed. "Get your friends close and your enemies closer. Yuri, we are setting her up. We made her believe that I am falling for her, alright? Yun yung nasa picture."

"May nangyari sa inyo?"

Dumilim ang mukha niya at tinitigan ako gamit ang galit niyang mata. "Simula nung dumating ka sa buhay ko, ikaw na lang ang babaeng nakikita ko, Yuri. She seduced me, alright. Pero hanggang doon lang 'yun. I asked Mark to call me to prevent something from happening. Walang nangyari, Yuri. We are just trying to fish information."

Tumango ako at hindi na umimik. I told you, Yuri! Trust him!

"Nakakulong na siya." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nanlalaki ang mata ko.

Ngumiti siya sa akin ng tipid. Pero malungkot na ngiti iyon. Kaya lumunok ako.

"I am so mad at you, Yuri. Galit na galit ako sa'yo." Nangilid ang luha ko.

Alam kong kasalanan ko dahil naging marupok ako. Nagselos ako at hindi ko mapigilan. Ito ang dahilan kung bakit ayokong sagutin ang mga tawag niya.

"I'm sorry." Mahina kong sabi.

Umiling siya. "May nagpadala rin sa akin ng picture."

Napaawang ang bibig ko. Picture?

"You are always with that boy, huh." Kinagat ko ang labi ko.

"Trace, kasi-"

"And he's courting you." Sabat niya. "Ano yun? Dalawa kami? Dalawa kami, ganon? Na kung ayaw mo na sa isa, doon ka sa kabila?"

Sinampal ko siya. Nagulat rin ako sa sarili ko. Pero instinct na yata talaga ang ganoong reaksyon. That was my initial reaction. My body reacts before I could stop it.

"Trace!" Garalgal ang boses ko. "Hindi ko alam na ganyan ang tingin mo sakin.."

"Gano'n din naman ang tingin mo sa akin, 'diba?" He shots back.

"Nagselos lang ako, Trace! Pero babalik at babalik ako sayo!" Napatakip ako sa mukha ko.

Nagmadali siya sa paglapit sa akin. Kinabahan ako.

I was surprised when he held me and hugged me tightly. Paulit ulit niyang hinalikan ang buhok ko. Hinaplos niya rin ang balikat ko.

"Pakiulit nga. Ano yun, Yuri? Babalik at babalik ka sa akin, hmm?" Bulong niya sa tainga ko na nagpatindig ng balahibo ko.

Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang labi sa akin.

"There is no way now that you are leaving me. You have no reason to." Aniya. Idiin niya ang katawan sa akin.

"Trace!"

"I will go back to Manila. Aayusin ko ang leave ko." Ani Trace.

I frowned. "Bakit ka magli-leave?"

"I want to be with you, Yuri. Gusto kong bumawi. I didn't like the thought of you missing me tapos wala akong magawa. You know how difficult that was, hm?" He whispered.

Umiling ako. "I'm sorry, Trace. Sorry kung nagselos ako."

Sumiksik ako sa kaniya. I want to be really close to him. It feels like home. Masarap sa pakiramdaman ang init ng katawan niya.

"Shh.. It's okay. But please, don't let jealousy destroy us, baby. I love you." Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Aasikasuhin ko na yung requirements ko, Trace. Magtatrabaho ako sa'yo. Gusto ko ng makasama ka." Nabasag ang boses ko sa huling pangungusap.

"Shhh.. Baby,"

"I miss you so much! Miss na miss kita!" Sumubsob pa ako sa kaniya.

Parang ayoko na yatang humiwalay sa kaniya. Parang mas gusto ko yatang dito na lang ako sa mga bisig niya.

"Ate!" Salubong sa akin ni Yassi kinabukasan.

"Bakit?"

"Si kuya Jarden daw dadalaw." Palihim akong ngumisi sa kaniya. Nagblush kasi siya at nagiwas ng tingin.

"Sige, kakausapin ko rin kasi siya eh." Tumango lang siya at umalis na.

Sinundan ko ng tingin ang kapatid ko. There's something in her eyes. Napansin ko kasing wala na 'yung masayahing siya. Hindi kumikislap. Bumuntong hininga ako sa pagiisip.

"Jarden," Salubong ko sa kaniya.

"Gusto mo raw akong makausap sabi ni Yassi?" Ngiti niya.

Tumango ako. "Jarden, alam kong nasabi ko na ito sa'yo pero itigil mo na 'yung pagsuyo mo sa akin. Hindi na babalik pa yung dating tayo."

Mula sa nakangiti ay nalukot ang mukha niya. I hate to break it to him but I have to.

"Is this about Winston Andersen?" Akusa niya. "Dahil ba mas mayaman-" Sinampal ko na siya at hindi na hinayaang ituloy ang sasabihin niya.

"Higit sa lahat ng tao maliban sa pamilya ko, isa ka sa dapat na nakakakilala sa akin ng tunay, Jarden." Mariin kong utas.

"I-I'm sorry, Yuri. I'm..." Sinubukan niyang lumapit pero tinulak ko siya.

"I am so disappointed to you, Jarden. Yumaman ka lang, lumaki na ang ulo mo! Hindi na kita kilala!" My voice raised.

"I'm sorry." Napayuko siya at tunay na makungkot ang mukha.

"Do you like my sister?" Napaangat siya ng ulo.

Napaawang ang bibig niya. "N-no..."

"Gusto ka ng kapatid ko." Wika ko. Nagulat siya ngunit nanatiling nakaawang ang bibig.

"Pero ako ang gusto mo, hindi ba? Please, iwasan mo na siya hangga't maari. Hindi ko na nagugustuhan ang pagiging matamlay niya, Jarden. Naaawa na 'ko sa kapatid ko." Dagdag ko.

"Pero Yuri-"

"Please, Jarden. Save her from drowning deeper to misery." Lumunok siya at nagiwas ng tingin.

"I am sport, Yuri. Hindi ko kayo papakialaman ni Trace. Pero bakit pati pagkakaibigan namin ni Yassi-"

"Pagkakaibigan?!" Tumaas ang boses ko. Kapag pamilya ko talaga ang pinaguusapan ay nagiiba ang timpla ko. "Jarden, gusto ka ng kapatid ko! Naiintindihan mo ba? Alam mo diba? Pinapaasa ko siya sa wala!"

"Yuri please-"

"No, Jarden. Ayokong maging panakip butas ang kapatid ko. She deserves better." Pinal kong wika sabay talikod na sa kaniya.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon