Thirty Four

13.8K 340 1
                                    

Alas sais ng umaga akong nagising. Nanibago pa ako dahil wala si Trace sa tabi ko gayong nasa loob ako ng kwarto niya.

Pagpasok ko sa opisina ay matamlay ako. Mabigat ang pakiramdam ko nang binuksan ko ang desktop computer sa desk ko at nagtipa. Bawat pagtipa ay lalong bumibigat ang dibdib ko.

Nang matapos ay ipinrint ko ito.

Kinuha ko ang phone sa aking bag at dinial ang numero ni Trace. I hope everything's going to be just fine.

"Yuri," He sounds tired.

"Hi. Kumusta?" Panimula ko. My throat strted to get dry. Gusto ko na mamang umiyak.

"I'm fine." Matipid niyang sagot. Narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong hininga.

"Hindi mo sinabi sa akin na isang linggo kang aalis. Nasaan ka?" Ginawa kong normal ang boses ko kahit gustung gusto ko ng umiyak.

"Nasa Singapore ako. I have to attend a convention here." He sounds unsure.

"Pwede bang maging totoo ka naman ngayon? If you have a scheduled convention, dapat alam ko. I'm your secretary." Paalala ko.

"Yes, I know. I'm sorry." Aniya.

Gusto kong magtanong kung bakit sorry pero ayoko. Truth hurts, really.

"Wala kang planong ipaalam sa akin?" Nabasag ang boses ko. Shit!

Asking him this question makes me want to go to him and hug him. Then tell him how much I love him but I have to restrain myself. It's for us anyway.

"Ayoko lang na magalala ka." Ayaw akong magalala? Pero bakit parang ang lamig niya? He's so cold. Nilalamig na rin ang puso ko at wala nang maramdaman na init.

I can only feel pain.

"Mas magaalala ako kung wala akong alam!" Hindi ko na naiwasan ang pagtaas ng boses.

"I'm sorry."

Na naman?! Ito na lang ba ang kaya niyanh sabihin? I want to hear him explain without me asking him! Pero wala siyang kusa. So, he does not want me to know his whereabouts?

Kinalma ko ang sarili ko. I need to have my rational mind in this. We both need to find ourselves. Yung kami talaga. Because what we have, it's not official or labeled. We need to clear things out.

This might hurt a lot.. Pero ito ang kailangan ko. I need his assurance, too.

May insecurities ako na hindi niya maintindihan. I don't think he's trying to understand me, too. He's so into making me his. Yun lang ang tanging nasa isip niya.

"Sino ang kasama mo?" Tanong ko.

May feeling na ako na masakit ito pero kailangan kong magpakatatag. And I need to freakin' know.

"I'm with my cousins and..." He trailed off, like he was hesitant to tell me or not.

"And?" Naiinip kong tanong.

"Laura." Parang bombang bumagsak ang salitang iyon ni Trace at lumabas ang aking hikbi.

Sumakit ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang malalagutan ako ng hininga. Sinilip pa ako ng mga kasama kong malapit sa akin. Nagthumbs up lang ako ako sa mga curious.

"Yuri, shit! Baby!" Lalong sumikip ang dibdib ko sa pagaalala niya.

That's it?

"T-trace, pwede ba 'kong humingi ng pabor?" Tanong ko sa kabila ng mga hikbi.

"Of course! Anything! Anything, baby, anything for you.." I can sense his panic. Parang kanina lang  ay malamig siyang sumagot.

Why is he acting like this now? When a minute ago he was so stone and cold! Is he afraid to lose me now? Bakit kailangang sa huli palagi marealize ang mga ganitong bagay?

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon