Thirty Eight

14.3K 343 1
                                    

Inayos ko ang lunch box na niluto ko para kay Trace. He wants a housewife? I will be a freakin' housewife! It was not that hard to ask for my mother's permission na dito ako patirahin. May mga magulang talaga na ang gusto lamang ay ang magpapaligaya sa mga anak nila.

Napangiti ako sa sarili ko. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa ibabaw ng counter. Si Jenna ang tunatawag.

"Hello, Jen." Simula ko.

"Yuri, nasa Strabucks na kami ni Lorenz. Hintayin ka na lang namin." Sabi niya sa kabilang linya.

"O sige. Pero baka matagalan ako. Ihahatid ko pa kasi ang lunch box kay Trace." Sagot ko.

Nahagikgik si Jenna sa kabilang linya. "Asus! Housewife na housewife ka na ah! Daig mo pa 'ko ngayon!"

Tumawa ako. "Edi sabay tayong magpaka-housewife!"

"Hmm, gusto ko 'yan! Turuan mo 'ko ha?" Natatawang sabi niya.

"Sige, sige. O, ibababa ko na ha? See you later!" Maligaya kong sabi. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa ibaba ko ang tawag.

I like that kind of compliment. Somehow, it made me feel like I deserve Trace because I'm good at taking care of him.

Pagdating ko sa WnA Group of Companies ay binabati ako ng mga empleyado. They knew I'm Trace's finaceé.

"Good morning, ma'am!" Ang mga bati nila.

Ngumisi sa akin ang ibang nakatrabaho ko noon at pabiro akong binabati.

"Good morning, Mrs. Andersen!" Natawa ako sa mga panunuya nila.

"Grabe. Hindi pa uy." Pinamulahanan ako ng mukha. Kahit paano ay nahihiya rin ako sa paglihim ko sa kanila.

"Asus. No'ng umalis ka rito ay laging mainit ang ulo ni Sir! Nalaman na lang namin na bago ka pala nagtrabaho dito ay girlfriend ka na niya!" I blush hard.

"Oo nga! Kaya pala executive secretary. Balita ko kasi sa HR noon na dapat sa Finance department ka." Sabi pa ni Lindsay na isa ring mabait na kakilala ko dito.

Tumawa lang ako. "O sige, ihahatid ko na ito." Itinaas ko ang lunch box para makita nilang mabuti.

"Wow, ang sweet mo naman pala!" Biro pa nila.

"Maliit na bagay." Biro ko rin.

Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad papuntang office ni Trace. Nakasalubong ko pa si Mrs. Acosta.

"O? Kumusta?" Bati niya.

"Mabuti po. Dadalhan ko lang ng lunch si Trace." Sagot ko.

Ngumisi sa akin si Mrs. Acosta.

"Mabuti iyan. Busy ngayon sa kumpanya kaya siguradong sobrang busy rin siya." Payo niya.

"Oo nga ho. Nasabi niya sa akin ang tungkol sa expansion ng WnA Malls." Ngumiti ako. I am so proud of him.

Pilit kong iwinawaksi ang mga negatibo kong pakiramdam tuwing may panibago siyang naaabot. Dapat lang na maging masaya ako sa natatamo niyang tagumpay. Hindi dapat ako manliit para sa sarili. Ayoko ng masira kami ulit dahil doon.

"Osige, puntahan mo na't paniguradong naghihintay na iyon." Aniya. Tumango ako sa kaniya at tinalikuran na siya.

Kaagad tumayo ang bagong secretary ni Trace na si Izzy. "Good morning po, ma'am."

"Good morning." Bati ko pabalik.

Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko kay Izzy. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko siya makuhang magustuhan. Siguro ay dahil nagseselos lang ako? Bata pa kasi si Izzy at maganda. Sexy rin ito at laging maiiksi ang suot.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon