Ten

19.6K 423 3
                                    

"Trace." Tawag ni Mark sa kaniya. Kasalukuyan siyang nasa opisina.

"Yeah?"

"Hans needs our help." Napapikit na lamang siya.

Kailan ba matuto itong Hans na ito? He thought. Pero dahil wala na siyang magagawa pa ay pumayag na lamang siya.

"This is the last time, Mark. He needs to grow up!" Iritado niyang wika.

Napangisi na lang si Mark.

"Siya nga pala, pahiram muna kay Rayah." Rayah is his employee. Nagkunot siya ng noo.

"Isa ka pa!" Sita pa ni Trace. Mahinang natawa si Mark sa inasal ng pinsan.

"Don't worry, dude. 'Pag ikaw namroblema sa puso, hindi mo kami maaasahan." Mark said, chuckling.

"Tss." Ang tanging nasabi na lamang ni Trace.

Gusto niya sanang sabihin na hindi yun kailanman mangyayari. Ngunit may naisip siya bigla kaya't itinikom na lamang niya ang bibig.

MALALIM na ang gabi ngunit gising na gising pa rin si Yuri. Dapat nga'y tulog na siya ngayon dahil natapos na sa wakasa ang thesis niya ngunit may isa pang bumabagabag sa kaniyaㅡsi Trace.

Grabe! Kailan kaya niya makakalimutan ang tagpo kanina? Bakit kasi ganoon makaasta ang binata sa harap niya? Para sa isang mahinang babae na kagaya niya ay alam niyang madali siyang mahulog sa mga ganoong lalaki.

Ngunit hindi ba't marami namang ganoong lalaki sa kaniya? Hindi ba't kayang kaya naman niyang umiwas? Nabuhay siya ng twenty one years ng payapa kahit walang lovelife. Isa pa, malaki talaga sa parte ng utak niya ang nagsasabi na hintayin niya si Jarden dahil babalikan niya ito.

Kung titimbangin man sa ngayon ni Yuri ang nararamdaman, alam niyang mas matimbang pa rin si Jarden kaysa kay Trace. Kakakilala lang naman niya sa binata kaya't hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para rito.

Para sakaniya ay humahanga lamang ito dahil sa kakisigan ng kaniyang Bacheler. Hanggang sa matapos siya sa kontratang pinirmahan ay mananatili lamang siyang Concubine nito. No more, no less.

"Yuri?" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses.

"Jenna." Ngumiti siya rito.

"Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog eh." She replied a matter-of-factly. Totoong hindi siya makatulog sa kakaisip sa sitwasyong meron sa kanila ni Trace.

"May problema ka ba? Ba't di ka makatulog?" Tumabi sakaniya si Jenna kaya umisod siya.

"Wala." Sagot niya rito. "Wala, Jen. Marami lang akong iniisip."

"Basta andito lang ako, ha?"

"Oo naman. Alam ko yun. 'Yun pa ba makakalimutan ko?" Pabiro niyang wika. Natawa silang pareho dahil doon.

"Yuri, matanong nga kita." Naging seryoso bigla ang kaibigan. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. "Bakit kilala mo si Ms. Newman?"

Alam niyang sa oras na iyon ay namutla siya. Si Ms. Newman lang naman kasi ang nagalok sa kaniya na maging concubine sa TSClub. At paanong kilala niya rin ito?

"Bakit kilala mo siya?" Tanong ni Yuri kay Jenna.

"Inalok niya 'kong maging concubine noon. Ikaw, inalok ka rin ba niya?" Naging mapanuri ang tinging ipinukol sakaniya ng kaibigan. Ayaw niyang magsinungaling kaya't hindi na lamang siya umimik.

"Yuri." May himig ng pagbabanta sa tinig na iyon ni Jenna.

"Jen. ." Tawag niya rito kasabay ng luhang lumandas sa kanyang pisngi.

"Shit!" Bulalas ng kaibigan. "Wag mong sabihing. . " Hindi pa man siya natatapos ay tumango na siya bilang tugon. "Paano?!" Napataas ang boses ni Jenna.

"Jen. . I'm sorry, hindi ko kaagad sinabi sayo. A-ayoko kasing dagdagan pa yung mga problema mo. Ayaw na kitang gambalain." Paumanhin niya.

"Paano mo nasabi yan! Hindi yan totoo! What are friends for, Yuri!" Sagot ni Jenna sa matinis na boses. "Kanino? Kanino, Yuri? Sinong bacheler mo?"

Napalunok siya.

"Jenna." She called her friend. Ayaw na sana niyang pagusapan dahil nga tingin niya'y napakaruming babae na niya.

Lahat nga naman kasi ng bagay ay may dahilan. May dahilan rin siya kaya niya pinasok yun. Pero hindi niya pa rin maiwasang magisip ng hindi maganda. Kahit pa sabihing ang dami niyang benefits na makukuha doon, hindi pa rin iyon nangangahulugang marangal pa iyon.

"Dammit, Yuri! Sino?!" Naiinis na tanong ni Jenna.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Si Mr. Andersen. Trace Winston Andersen." Sagot niya.

Hindi umimik ang kaibigan niya kaya naman tumingin siya rito. Literal na nakanganga at nanlalaki ang mata ni Jenna. Napakunot tuloy siya ng noo. Anong meron?

"B-bakit?" She asked, unable to stop herself from stuttering.

"Winston Andersen? WnA?" Jenna asked.

Sasagot na sana siya nang may maalala siya. NDA! Napamura siya sa isip. Shit! That's supposed to be a secret.

Pero hindi ba't napaalam na niya iyon sa binata at pumayag naman ito? Ipinlig niya ang kanyang ulo upang maiwasan ang pagiisip ng kung anumang hindi maganda. Maiintindihan naman siguro siya nito.

Tumango siya dito bilang tugon. Kitang kita niya ang pagpapakawala ng hininga ng kaibigan at pagbagsak ng balikat.

"What have you gotten yourself into, Yuri. Kilala mo ba siya? I'm afraid you'll fall so damn hard for him, Yuri." Napalunok siya sa sinabi ni Jenna.

True enough, kahit siya natatakot na sa namumuong atraksyon sa binata.

"Hindi ko na alam ang gagawin, Jen." She admits.

Umiling si Jenna at ngumiti. "You'll be fine." Lumapit ito sakaniya at hinawakan sa balikat. "You only need someone."

Lalong nangunot ng noo niya sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito?

"Ha?"

"May naghahanap sayo dito noong isang araw." Hindi niya alam pero biglang parang naging tambol ang tibok ng puso niya. Sobrang lakas at medyo kinakabahan siya.

"S-sino daw?" She asks. Ngumiti si Jenna sakaniya. Isang ngiting tagumpay. Gusto niyang mahawa sa kasiyahan nito ngunit labis labis talaga ang kaba na nararamdaman niya.

"Jarden Louis Sevilla. Your first love." And she's doomed.

-

AN: Yaay! Palapit na tayo ng palapit sa Rising Action! We'll get there soon!

Rising Action is where the conflict is developed. LOL. Actually, this term is used for the elements of a short story. Anyhow, gamitin ko na rin hahahaha!

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon