See you on The Seige Series Two: Unveiling Truth. Thank you for reading!
-
Epilogue.
The whole ride going back to Pampanga is fun! Especially that I am with our son, Trevor Angelo H. Andersen.
I still remember everything. Yung mga panahong nasa ilalim kami ng gulong. Yes, life is really like a wheel. At no'ng panahong nasa ibaba kami, akala ko talaga katapusan na. We break up and then get back together. Magaaway at magkakabati. Marami.
Papunta kami ngayon sa Grand Palazzo Royale kung saan gaganapin ang unang kaarawan ng aming anak. This is after all my birth place.
Our son's first birthday is grand. Ayaw ni Trace ng simple lang. As a matter of fact, WnA investors are even invited. Engrande talaga. Uuwi pa mula iba't ibang bansa ang mga kamaganak ni Trace. Pati ang mga Bacheler's sa The Seige Club ay invited. Maging ang kaniyang mga subordinates ay naroon din.
Noong una ay hindi ako sangayon. Bukod kasi sa hindi ako sanay ay nakakahiya sa mga iimbitahan dahil ba-biyahe pa ang iba mula sa malayo. Pero kalauna'y napapayag niya ako dahil totoo nga namang isang biyaya si Trevor sa amin. He's an unexpected baby. I still remember the struggle during the first trimester, mahirap pero andiyan naman si Trace sa tabi ko.
"Meron ka bang nakain o ano?" Tanong ng doctor sa akin.
"Wala po eh. Ang naalala ko lang ay nahilo ako sa amoy ng paksiw pagkatapos ay naduwal ako." Sagot ko.
Kumunot ang noo ng doktor na tumitingin sa akin. Kumuha siya ng kung ano sa mga gamit niya at iniabot sa akin. Nabigla pa ako nang makita kong pregnancy kit iyon.
"P-pero.."
Tumango sa akin ang doktor. Nakita ko rin ang gulat na mukha ni Trace habang hawak hawak ang malamig kong kamay.
"Maaring tumalab yung gamot na ipinainom sa'yo. I trust that you went to US for that? Just give it a try. Again.." Anang doktor sa akin.
She gave me a hopeful look. Nilingon ko si Trace na nakarecover na sa pagkabigla. Nginitian niya ako at hinalikan ang aking kamay bago siya tumango.
Habang nasa loob ako ng cr ay hindi ko mapigilang maiyak. Anuman ang resulta ay tunay na magpapaiyak talaga sa akin. Malaking parte sa akin ang umaasa na positibo pero masakit pa ring isipin na baka hindi na talaga kami makabuo.
Lumabas ako nang hindi tinitingnan ang resulta. Hindi pa ako handa.
"A-anong resulta?" Tanong niyang nakakunot ang noo.
"Hindi ko pa tinitingnan.. Natatakot ako." Pagamin ko. Iniabot ko sa kaniya at siya na ang tumingin.
Kitang kita ko ang pagawang ng kaniyang bibig. Nag-igting rin ang kaniyang bagang. Maya maya ay narinig ko siyang suminghot. Pagangat niya ng tingin sa akin ay namumula na ang kaniyang ilong at mata.
Nanlaki ang mata ko sa reaksyon niya. Magsasalita pa sana ako nang mahigpit niya akong niyakap.
"It's positive." Bulong niya.
"MAGIGING DADDY NA 'KO!!" Sigaw niya na nagpatawa sa doktor at lalong nagpaluha sa akin.
Naluluha ako habang inaalala ang mga nangyaring iyon at habang nakatingin sa aking magama sa may stage.
"Today is not just the day of our son. But ours, too." Pagkasabi niya no'n ay biglang namatay ang ilaw.
Magpapanic na sana ako kung hindi lang muling umilaw. Ngunit nagulat ako nang sa akin lang ang may ilaw. It's a spotlight!
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...