Thirty Nine

14.2K 371 0
                                    

Nadatnan ko sina Lorenz at Jenna na naghaharutan. Napangiti ako. At least, hindi sila nainip sa paghihintay dahil magkasama sila.

"Hi!" Tumayo si Jenna at nakipagbeso.

"Pasensiya na ha? Medyo natagalan." Nahihiya kong paumanhin.

Ngumisi si Jenna. "Asus! Ayos lang. Ineexpect na namin iyon ni Lorenz."

Bigla akong nagblush. Lalo na nang magtawanan silang dalawa. Bakit feeling ko ay alam nila yunh nangyari? Was I thinking too much?

"Ganiyan si Jenna noon kapag dadalaw sa akin." Ani Lorenz.

Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang kamay niyang pumisil sa hita ni Jenna. Tumawa naman ang kaibigan ko.

"Tama na, by. Hindi sanay si Yuri na makita tayong ganito." Anang kaibigan ko habang humahagikgik.

"Ayos lang." Sabi ko upang hindi maging awkward.

Ipinatong ko sa table ang folder na dala ko. Napatingin doon si Lorenz.

"Resignation letter. Pasensya na dito ko pa dinala-"

"Ako talaga nagsuggest sa kaniya no'n, by." Salo naman ng kaibigan ko. "Alam naman na ni Lorenz na ipapass mo yan. Hindi pa nga lang siya nakakahanap ng pamalit mo kaya sana best, pasok ka muna." Nagpuppy eyes pa si Jen sa akin.

Tumango ako. "Naiintindihan ko."

"Oo nga pala. Tumawag si Leo sa'kin. He said he's coming." Sabi ni Jenna.

Masama naman ang tingin ni Lorenz sa kaibigan ko. Pinanlakihan ko siya ng mata at palihim na nginuso ang katabi niya to send her the message.

Tumawa ito at pinalo ang braso ni Lorenz. "Si Trace nga ang dapat kabahan, eh! Si Yuri ang crush no'n!"

Nagigting ang bagang ni Lorenz. "Tss." He hissed.

Nagasaran at nagkwentuhan kami hanggang sa napagpasyahan naming umuwi. Days went by too fast. Hindi ko na namalayan na last day ko na sa kumpanya nila.

"Tapos, yung files na 'to, make sure na laging updated. Yung mga FS rin." At marami pa akong procedures na diniscuss sa kapalit ko. Sana lang ay hindi niya kalimutan. Strikto pa naman din si Lorenz.

For today, I'm cooking Menudo. Ito ang specialty ni mama na itinuro pa niya sa akin.

Maagang umalis si Trace dahil busy talaga sa opisina nila ngayon. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na walang ginagawa sa bahay. Mabuti na lang at naisipan kong samaan si Yassi sa kaniyang OB ngayong araw dahil talagang nababagot ako rito magisa. Si Jarden ay busy sa kaniyang trabaho. Buti't napakiusapan ko siyang ako na ang sasama sa kapatid ko.

Naligo na ako at nagayos. I am wearing a simple pink floral dress at white flat shoes. Para akong teenager nito.

Naghihintay sa akin sa labas si Mang Cador. Lagi siyang iniiwan ni Trace para sa akin.

"Sa WnA po." Sabi ko rito.

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Ang blooming niyo ngayon ma'am!" Bati niya sa akin.

"Naku, kayo talaga! Bolero na." Sabi ko naman at bahagyang tumawa.

Nakakatuwa lang na nakakasundo ko ang nga taong nagsisilbi kay Trace sa mahabang panahon. I thank them for taking good care of Trace. Na kahit suplado ito ay napagtiyatiyagaan nila.

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon