Forty Five.

16.4K 376 16
                                    

This is the last chapter of THE SEIGE SERIES I: Seige of Pleasures! Thank you for making it 'til this part. Epilogue's next 😘
~

Nagulat ako nang pagkapasok ko sa gate ay naroon na ang sasakyan ni Trace. Hindi ko alam kung paano ko uumpisang sabihin sa kaniya. Hindi ko talaga alam.

"Baby! I've been waiting for you. Saan ka galing?" Malambing nitong salubong sa akin.

Ngunitian ko siya. Alam kong kita niyang pilit lamang iyon. But at least I have to show him I'm still glad he's here.

"Ba't napaaga ka yata? Akala ko bang alas otso pa ang labas mo?" Tanong ko, completely diverting the topic.

I'm not sure if I'm ready to tell him yet. Parang hindi pa ko handa sa magiging reaksyon niya. Kinakabahan ako. At kapag ganitong kabado ako, alam kong hindi maganda ang kakalabasan. Ganitong ganito ang naramdaman ko noong mga panahong bago kami nagkahiwaay ng ilang buwan.

"Hindi ko na kasi matiis. Mago-overtime na lang ako kapag pwede mo na kong dalawin doon." Aniya na nagpakurot sa puso ko.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Ayoko mang umiyak pero sumasakit na ang lalamunan ko. Kanina habang pauwi ay kinundisyon ko ang sarili upang huwag umiyak pero parang balewala lamang. Lalo't ngayong nakikita ko siyang ganito.

"Baby, what's wrong? You're getting me worried." Hinaplos niya ang mukha ko at masuyong humalik sa aking labi.

"Trace, galing akong OB." Panimula ko.

Kitang kita ko ang gulat at pagkalito sa kaniya. "And?"

Umiling ako. "Negative."

Bumuntong hininga siya. "Okay lang, baby. Ikaw na lang ibe-baby ko." Ngisi niya pero hilaw na ngisi ang isinukli ko.

"Pero gusto mo ng magkaanak diba?" Pangungulit ko. Baka sakaling may makuha akong hint na kung sakaling malaman niyang hindi ako pwedeng magkaanak ay ayawan niya ko.

"Oo naman. Sino bang ayaw?" Hinapit niya pa ako palapit sa katawan niya. "At saka walang magmamana ng ari arian natin, baby. Boring din kung walang bata. Gusto kong maging ama." He says heartily that breaks my heart into pieces.

Napalunok ako. It's now or never, Yuri.

"P-paano kung h-hindi pala ako pwedeng mabuntis?" Kinagat ko ang labi ko at napayuko ako.

Tumawa siya ng hilaw. "Hindi yun mangyayari..."

Napaangat na 'ko ng tingin sa kaniya. There he said it, hindi niya tanggap.

Unti unting nanlabo ang paningin ko. Ang bigat bigat sa dibdib. Ang sakit. Literal na may nawawasak sa loob ko. Parang nakadagan lahat ng problema sa akin sa mga oras na iyon. Ang hirap hirap.

"Yuri.." Nawalan ng kulay ang mukha niya. Parang napagtanto niya ang ibig kong sabihin. It struck him, bigtime!

"Oo.. Hindi ako pwedeng mabuntis, Trace. Would you still want me to be your wife? I can't bear you a child." Sabi ko.

Saglit siyang natulala sa akin. Unti unti ring bumabalik ang kulay ng mukha niya.

"I-It's alright..." Lumunok siya kaya't nalaman kong nahihirapan siya. He's just saying that to lighten up the tension.

I know it's hard for him to digest it. I know he's disappointed! I know he's not okay with it! But he's saying otherwise to make it seem okay!

"You know, having a family without children is boring." I began, my voice shaking. "Walang magmamana ng ariarian mo. I-I am useless. Ano'ng gagawin mo, Trace?"

Seige Of PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon