"Yuri." Malamig ngunit may halong pagsusumamo ang kaniyang boses. Napalunok na lamang ako.
Mabilis na kinain ng mga hakbang niya ang distansya namin. Nabigla ako nang kinabig niya ang ulo ko papunta sa dibdin niya.
"Trace, n-nahihirapan ako. Hindi ako makahinga." Pero ang totoo ay naiilang lamang ako.
I get that Trace is sweet. Pero naninibago pa rin ako. Para bang alam niya ang nararamdaman ko kaya siya ganito ngayon.
Nagangat ako ng tingin. He was looking at me like he's trying to read me. Read me? Really?
"Trace, bakit nandito ka?" Tanong ko.
Nagigting ang panga niya. Sandali akong humanga sa perpekto niyang panga.
"Am I losing you?" Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Sumikip ang dibdib ko sa iba't ibang kadahilanan.
"A-ano?"
Hindi ba ay ako dapat ang nagtatanong niyan? Siya ang may kasamang iba, hindi ba?
"Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong ang lamig ng pakikitungo mo sa akin, Yuri. Para bang ayaw mo 'kong makausap." Nangilid ang luha ko sa nakikita ko sa kaniya.
Para bang ang hirap para sa kaniyang aminin iyon.
"Hindi sa gano'n, Trace-"
"Kung gano'n ano?!" Napayuko ako sa pagtaas niya ng boses. "Kung gano'n ano, Yuri? Kasi nababaliw na 'ko kakaisip kung bakit!"
Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Lead me to your room." Aniya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Just lead me to your damn room. Or I'll drag you to my place!" Hindi ko kinaya ang muli niyang pagtaas ng boses.
Matapang ko siyang hinarap. "Bakit nga?!" Tumaas rin ang boses ko. Kasabay nito ang isang patak ng luha. "Kasi ano? Sex ba?"
"Yuri..."
"Diba?! Tama ako, diba?! Yun ang gusto mo! Gano'n lang naman ang tingin mo sa akin, diba! Kaya bakit ka nagagalit?" Humina ang boses ko sa huling pangungusap.
Kinukurot ang puso ko. Kaya ayoko sabing makausap muna siya eh. Pero heto siya at nagpakita sa harapan ko.
"Yuri, please." Pagsusumamo niya. "Am I losing you?"
Nakita ko ang pagpula ng kaniyang ilong. Pero nawalan ako ng pakialam. Gusto kong malaman niya ang nasa isip ko.
Lahat ng bumabagabag sa akin gusto kong malaman niya. I want him to know my jealousy and insecurities. Kahit alam kong hindi dapat.
"Bakit, Trace? Ano ba tayo? Meron bang tayo? Why would you lose me when in the first place, you don't own me." Matapang kong wika.
Nagdilim ang mukha niya. "Bawiin mo ang sinabi mo."
Umiling ako. "Wala naman talagang tayo, diba? Kaya okay lang sayo na hindi ipaalam sa akin ang mga ginagawa mo. You don't want me to know because I am nobody. Ni okay lang din sa'yo na hindi kaagad tumawag o kahit magtext dahil.. Oo nga naman! Wala ka namang obligasyon-"
"Damn it!" Bulyaw niya.
"Minumura mo na ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Mabilis siyang umiling at hinila ang braso ko. "No, baby. No." Maagap niyang tugon.
"Trace, ang mabuti pa siguro itigil na natin-"
"No!" Putol niya. "You are not going anywhere but with me. Walang tatapusin dahil hinding hindi ako makakapayag."
BINABASA MO ANG
Seige Of Pleasures
Romance"If having sex, say force you to have sex with me, is the only way I can get you, then so be it. I'll have you in every way I could." ㅡTrace Winston Andersen A man with needs will definitely not take advantage of an innocent sweet lady. Or will he? ...