Jules' POV
•
Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko ang taong mahal ko.
Salamat, Sakarias!
Kahit madalas na baliw ang best friend ko, madalas na may malaking pakinabang din naman.
Ayoko man sirain ang napaka-delicate na moment na pinagsasaluhan namin ni Stacey ngayon, hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko.
I have to say something or else I may not get another chance.
"So anong lagay natin ngayon?" Tanong ko kay Stacey.
Nagkibit-balikat lang siya.
"Honestly, hindi ko alam."
"Stacey, I love you. I really do. Pero I'm old enough to know what I want in life now. I have to know if you're in or out."
Napabalikwas si Stacey sa narinig.
Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard nito.
"Unang-una, I never asked you to come here. In fact, I let you go. I made that very clear on my letter when I left. You don't have the right to pressure me like this. Alam mo naman kung anong sitwasyon ko di ba?" Tugon niya.
Bakas ang pagka-inis sa bawat binitawang salita.
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at matamang tumingin sa kaniyang mata.
"Do you not want me here?"
"I do."
"Do you love me, Stacey?"
"Yes!"
"Then what are we doing?"
Napa-buntong hininga siya. "It's not that simple, Jules."
"What can I do to make things not complicated for you? How can we make this work? Please, Stacey. I really want to make this work." Pagmamakaawa ko.
"Kakausapin ko yung ex-husband mo." Dagdag ko pa.
"Husband."
"What?"
"Husband. Hindi ko pa siya ex, hindi pa kami divorced di ba?"
Aray naman.
"Pero seryoso. Kung 'yun ang paraan para mapapayag siyang i-sign ang divorce papers niyo, kahit pa lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa, I will gladly do it. Mapalaya ka lang." Mariin kong sabi.
"You really don't have to do that." Mahina niyang tugon.
"I think I do. I have to do this."
"For us." Dugtong ko.
"Jules, please. This is my life, my mess. Let me be the one to fix it."
"I can't wait any longer. I badly want to be with you."
Bumangon na ako mula sa kama at naglakad palabas. Sinundan ako ni Stacey ngunit hindi talaga ako nagpapigil.
Laking gulat ko pagbukas ng pinto, nandun si Sakarias at binato ako ng bigas sa mukha.
"Anak ng put--. Bakit ka nandyan?!" Sigaw ko.
"Eh kasi di ba kapag newlyweds, hinahagisan talaga ng bigas?" Natatawang sagot ni Jaime.
"Oo, pero hindi naman directly sa mukha. What the hell, dude?"
"Sorry na! Kanina pa kasi ako naghihintay, nawala na ako sa ulirat kaya nagulat din ako nung nagbukas ka ng pinto. Kaya naibato ko sa mukha mo." Akmang yayakapin ako ni Jaime nang sawayin ko siya.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...