Chapter 20: Pag-amin

3.3K 135 21
                                    

Jamie's POV

This is it. 

Today is the day.

Magpapakilala na ako sa mga employees ng RAD!.

Lumabas ako sa aking kwarto at lumapit sa Nurse's Station.

"Maui, naka-duty pa ba si Annie?" Bati ko sa isang nurse na nakaupo at busy sa pagbabasa ng charts.

Tumingala siya sa akin. "Ay, Doc J! Bakit ka nakabihis? Wala pa kaming order na pwede ka nang i-discharge!" Kinakabahang sagot niya. "Wala na po si Ma'am Annie. Nag-out na po siya kaninang 6 am."

"Ganun ba? Sige, pakisabi na lang na umalis na ako. May kailangan pa akong asikasuhin, eh."

"Doc J, wait lang! Hindi ka pwedeng umalis. Papagalitan ako ni Doc Izzy."

"Sabihin mo na lang nagpumilit akong lumabas. Kapag pinagalitan ka, tawagan mo ako. Kakausapin ko na lang siya."

"Doc, sabi mo 'yan, ah! Ayokong mapa-trouble."

Ngumiti ako sa kaniya. "Oo nga. Akong bahala sa'yo."

Paalis na sana ako ng bigla akong may naalala. Pumasok ako sa loob ng Nurse's Station.

"Maui, pagamit naman ng telephone. Wala nga pala akong dalang kahit ano. Magpapasundo ako sa Sir JM mo."

Tumango naman sa akin ang butihing nurse.

Nag-dial ako ng number ni Jules at sumagot din naman siya kaagad.

Jules: Good morning, JM Robias speaking. May I know who's calling?

Ang pormal, ah. Pagtripan ko nga.

Ako: *girly voice* Sir JM, this is Nurse Maui po from the executive ward. Si.. Si Doc J po..

Jules: Anong nangyari??

Ako: May emergency po!

Jules: I'm on my way!

At binaba na niya ang call. Tumawa naman ako ng napakalakas.

Si Maui naman, nakatingin lang sa akin. Nanlalaki ang mga mata mula sa pagkagulat.

"Doc J, ang bad mo!"

Humahalakhak parin ako.

"Sinong tumatawa ng malakas dyan?!" Paninita ng isang babae na nagsalita mula sa di kalayuan. Paglapit niya, si Ma'am Martha pala. Senior nila Maui.

Medyo may edad na siya kaya masungit minsan.

"Ikaw ba yung maingay, Doc J?" Tanong niya. "I would like to remind you that there are patients here trying to rest. Please keep your voice down."

"Sorry po, Ma'am." At nag-peace sign ako sa kaniya.

Umiling-iling lang siya. "Now, if you'll excuse me, I have to check on our patients."

Tumango ako kay Ma'am Martha at naglakad naman siya paalis.

Ganyan siya ka-ethical. Kahit ako na may-ari ng hospital, sisitahin niya kapag may ginagawa akong hindi maganda.

Halatang nagpipigil naman ng tawa si Maui.

Bumulong ako. "Huwag kang tatawa ng malakas, baka pagalitan ka rin."

Hindi na niya napigilan ang tawa pero nagtakip siya agad ng bibig para humina ito. 

"Ang sungit ni Ma'am Martha 'no? Palibhasa menopausal na kasi."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon