Chapter 25: Stacey

2.9K 135 22
                                    

Jaime's POV

Hindi naman ako lasing, hindi rin talaga ako umiinom ng kape pero pakiramdam ko ay kailangan ko ng isang cup dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Izzy kanina.

Dumaan muna ako sa isang coffee shop malapit sa RAD! para doon mag-muni muni.

Madaling araw na ng makauwi ako sa bahay nila Cassie.

Pagpasok ko, nakita ko si Cassie at ang pinsan niya na nagkukwentuhan sa sala.

"You look like shit." Bati niya sa akin.

"Aww.. Ang sweet naman ng bati sa akin ng girlfriend ko. Pa-hug nga!" Natatawang sabi ko.

Humalik ako sa kaniyang pisngi at nag-hi sa pinsan niya.

"Stacey, ito si Jaime. Jaime, si Stacey. Pinsan ko." Pagpapakilala ni Cassie sa amin.

Pamilyar na naman si Stacey sa akin dahil madalas siyang naikukwento ni Cassie. Close sila ng pinsan niya dahil isang taon lang din naman ang pagitan ng kanilang edad. Ang pamilya din nito ang tumulong kay Cassie sa mga gastusin noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo, pati narin ang pangtustos sa iba pang mga pangangailangan ni Carl habang lumalaki siya.

"Insan, hindi ka pala talaga nagsisinungaling nung sinabi mong pogi ang girlfriend mo." Sabi ni Stacey.

Hinampas naman siya ni Cassie sa braso. "Huwag ka ngang maingay! Lalaki na naman ang ulo ng isa dyan." Sabay nguso sa akin.

Napangiti naman ako. "Stacey, nakakatuwa yung Tagalog accent mo, hindi slang. May mga kakilala kasi ako na lumaki din sa ibang bansa tapos ang arte na pakinggan ng boses kapag nagsasalita ng Tagalog."

"12 years old narin naman kasi ako nung makapunta kami sa US. Imposible naman na makalimutan ko ang lenggwahe natin dahil lang sa pagtira namin ng matagal doon."

Aww.. I like her already!

Ganitong mga klase ng tao ang gusto kong maging kaibigan. Hindi maarte, hindi mayabang.

"Bakit gising pa kayo?" Tanong ko.

"Nahihirapan kasi siyang matulog dahil mainit sa kwarto. Hindi sanay sa climate ng Pilipinas." Sagot ni Cassie.

"Grabe! Wala naman akong sinabing ganyan, ah. Jet lag lang siguro 'to kaya hindi pa ako inaantok." Depensa ni Stacey.

"Si Jaime nga, oh. Pawis na pawis na, hindi naman nagrereklamo." Dagdag pa niya.

"Takot 'yan magreklamo. Alam niya kung anong mangyayari." Tugon ni Cassie.

Oo nga, alam ko.

Alam ko na walang mangyayari.

Ilang beses ko nang sinubukan na i-convince si Cassie na bumili ng air-con, nag-offer pa nga akong magbayad.

Sinabi ko pa na kung nag-aalala siya sa magiging bill ng kuryente, huwag na niyang isipin 'yun dahil kaya kong i-jumper ang connection sa kapitbahay.

Hahahahahaha!

Kaso ayaw talaga, eh.

Tiis ganda na lang ako.

"Dun na lang muna tayo sa bahay. Kung gusto niyo lang naman." Suhestiyon ko.

Biglang lumabas si Carl out of nowhere. "Sige, pare! Dun na lang tayo sa inyo!"

Nagulat kaming lahat sa kaniya.

"At bakit gising ka pa? Alas-dos na ng madaling araw." Sabi ni Cassie habang tinuturo ang wall clock.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon