Chapter 28: So Much For A Day

2.7K 126 17
                                    

Jaime's POV

"Punta tayong mall!" Pag-aaya ko sa kanila.

"Saang mall?" Tanong ni Jules.

"Sa Greenbelt."

"Mall of Asia na lang! Gusto kong kumain sa IHOP. Hindi kasi masarap ang niluto mo."

Nag-sad face ako at tumingin kay Cassie.

"Inaaway ako ni Jules." Malungkot na sabi ko.

"Huwag niyo ngang awayin si Jaime. Iiyak 'yan." Pang-aasar ni Cassie.

Nagiging mean narin ang girlfriend ko, ah. Nahawa na yata sa akin.

Hahahahahaha!

"On call kasi ako, eh. Kung nasa Greenbelt tayo, madali akong makakapunta sa MCDC kung sakaling kailanganin nila ako."

"Naka-duty ba si Izzy ngayon?" Tanong ni Jules.

"Oo."

"Kaya na niya 'yun! Sa Mall of Asia na tayo pumunta!"

"Sa BGC na lang. May IHOP din dun."

"Gusto ko sa MOA!" Giit niya.

"Anak ng butiking duling ka naman! Anong kinaibahan ng IHOP ng MOA sa IHOP ng BGC?"

"Wala. Gusto ko lang masunod ang trip ko." Natatawang sagot ni Jules.

"Nasaan si Carl? Kagabi ko pa siya hindi nakikita." Tanong ni Stacey.

"Hindi lalabas 'yun ng kwarto. Kasama niya ang girlfriend niya sa loob, eh." Sagot ko.

Kitang-kita ko na nanlaki ang mga mata ni Cassie dahil sa narinig mula sa akin.

"Anong girlfriend?!"

"Wala. Tinitingnan ko lang kung anong magiging reaction mo."

"Ang bata pa ng kapatid ko. Hindi pa siya pwedeng mag-girlfriend!"

"Sige, paghigpitan mo ng sobra si Carl. Makakabuntis agad 'yan kapag naging binata." Biro ni Stacey.

Natawa lang kami ni Jules at si Cassie naman, inirapan kami.

"Mag-ready na kayo, pupunta pa tayong Mall of Asia!" Masiglang sabi ni Jules.

"BGC na nga lang." Angal ko.

"Sino ang gustong pumunta sa MOA? Raise your hand."

Lahat silang tatlo ay nagtaasan ng kamay.

Tumingin ako kay Cassie. "Pati ikaw? You betrayed me!"

"Ganti ko 'yan kasi pinagtripan mo ako kanina!"

"Uyyy.. LQ." Pang-aasar ni Jules.

"Suntukan na 'yan, oh!" Biro naman ni Stacey.

Nagtawanan lang kaming lahat.

Wala na akong nagawa. Majority wins, eh.

Umalis na sina Jules at Stacey sa kusina at nagtungo sa guest room.

Niyakap ko naman si Cassie mula sa likod habang naglalakad siya.

"Sabay ulit tayong maligo?" Bulong ko.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kaniyang bewang.

"Ayoko nga! Dyan ka maligo sa CR sa may sala."

"Wala namang shower dun, eh!"

"Eh di gawan mo ng paraan na makaligo ka sa lababo!"

"Bakit ang init bigla ng ulo mo? On the way na ba ang period mo o meron ka na?"

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon