Cassie's POV
•
"Let me get this straight. Balak mong ibenta sina Jaime?" Mariin kong tanong kay George.
"Cassie, 'benta' is such a strong word. It's more like...rent. For one night lang naman, eh." At kinindatan pa ako.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nila Jaime sa kaibigan nilang 'to pagdating sa mga ganitong klaseng events.
"Game na game ako dyan! Ang dami kayang chicks ngayon. Tsaka nandito yung crush kong si Heather." Masiglang sabi ni Derek.
"Ang tanong ay kung may balak bang mag-bid si Heather para sa'yo. Ni hindi ka nga yata kilala nun." Tugon naman ni Rich.
"Alam mo Rich, minsan ka lang magsalita pero kapag bumanat ka, ang sakit. Bakit ka ganyan?" Pagda-drama ni Derek.
Inirapan lang naman siya ni Rich at tinawanan siya ng iba.
"Hindi ko maintindihan kung bakit type na type mo 'yang si Heather. Napaka-bitch kaya nun." Iritableng komento ni Lexie.
"The heart wants what it wants di ba? Back me up, Jaime." Sabi ni Derek.
"I agree with Derek. The heart wants what it wants nga. Hayaan niyo na siya. Besides, hindi naman nga tayo sigurado kung mapapansin siya nung crush niya." Natatawang sabi ni Jaime na tiningnan naman ng masama ni Derek.
"So ano na, guys? Payag na kayo?" Nakangiting tanong ni George.
"Wow. As if naman na may choice kami." Sagot ni Sir JM.
"Come on! This is for a good cause. Let us help people fighting against cancer. What do you say, huh?"
"Ayan ka na naman sa lintik na 'for a good cause' mo, eh. Iniipit mo kami." Inis na sabi ni Lexie.
"Syempre! Para hindi na kayo makatanggi. Now, let's do this and have some fun, alright?"
Tumingin sa akin si Jaime na para bang nagtatanong kung papayag ba ako sa sinasabi ni George.
"Do it, baby. It's for a good cause." Nakangiting sabi ko.
"What?! No!" Reaksyon ni Jaime.
Bigla namang lumapit sa akin si George at niyakap ako. "Oh, Cassie. I love you already." At nakipag-apir pa siya sa akin.
"Sure ka na ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Jaime sa akin.
Hinatak siya ni George papalayo. "Oo, Jaime. Sure na sure na si Cassie. Huwag kang kemerut kasi ikaw ang pang-finale ko."
"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Jaime kay George.
"Ikaw ang pang-finale ko. Sakto kasi ikaw lang yung naiiba at nakasuot ng pula."
"Maroon." Magkasabay na sabi nila Rich at Derek.
"Thank you for the correction." Sabi ni Jaime.
"Yeah, yeah. Whatever." Sagot ni George.
"Hindi, George. Ano nga ulit yung sinabi mo kanina? Kemerut?" Natatawang tanong ni Jaime sa kaibigan.
"Oo, putek. Nahawa na yata ako sa'yo. Pinagalitan nga ako ni Papa nung aksidenteng nasabi ko 'yan habang nasa isang meeting kami."
Nagtawanan naman ang lahat.
"Lexie, ikaw na muna ang bahala kay Cassie. May pag-uusapan lang kaming mga boys." Sabi ni George.
"Hey!" Angal ni Jaime.
"Sorry na! Allow me to rephrase my sentence. 'May pag-uusapan lang kaming mga boys with Jaime na girl pero mukhang boy.' There. Are you happy?"
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...