Chapter 36: Anong Nangyari?

1.5K 76 18
                                    

Cassie's POV

"What the fuck? Second bid pa lang, nataasan na agad ako?!" Inis na komento ni Lexie habang pinapanood namin ang pag-auction kay Jaime.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

"Huy, anong nangyayari sa'yo? Bakit ka nakangiti dyan ha?" Tanong niya.

"Wala naman."

"Natutuwa ka din na pinag-aagawan si Jaime 'no?" Pang-aasar ni Lexie.

"Masama ba kung sabihin kong oo? Kasi alam kong hanggang tingin lang naman sila. Sa akin parin uuwi si Jaime. Ang win lang sa feeling." Natatawang sabi ko.

"Pero seryoso, hindi ka naman lugi kay Jaime. I mean, may topak 'yun and all but I can see that she truly loves you, Cassie. She cares for you. And J's smart enough to know that if she mess up your relationship, hindi na siya makakahanap ng isa pa na katulad nito."

Tumingin siya ng deretso sa aking mga mata.

"Thank you for loving my best friend." Dugtong niya.

Napangiti naman ako sa mga sinabi ni Lexie.

Hindi ko napigilan ang aking sarili at yumakap ako sa kaniya.

Pakiramdam ko ito ang appropriate na gesture para sa moment na ganito.

Pagbaling ko ng tingin sa may stage ay napansin kong distracted sina George at Jaime.

"Anong ginagawa ng mga tukmol na 'yun? Saan sila nakatingin?" Sambit ni Lexie.

Maging kami ay napalingon narin sa direksyon ng tinititigan nila George.

"Tss. Si Izzy lang pala." Inis na komento niya.

"Bakit may kasama siyang mga pulis?" Tanong ko naman.

"Hay nako. Gagawa 'yan ng eksena siguro. Ano na naman kayang trip niya?"

Napa-kunot noo si Lexie. "Wait, are they walking towards us?"

Oo, naglalakad nga sila papunta sa amin.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ibigay na reaksyon.

Biglang tumigil ang mundo ko at naging blangko ang aking pag-iisip.

"Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin na pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan."

Teka, inaaresto nila ako? 

Anong nagawa ko?

Namalayan ko na lang na nasa harap ko na si Jaime. 

"Anong kalokohan 'to? May warrant of arrest ba kayo?" Galit na sabi ni Jaime.

"Meron po." Usal ng isang pulis kasabay ng pag-abot nito kay Jaime ng papel na hawak niya.

"Physical assault?!" Kunot-noong sabi niya.

Ibinaling ni Jaime ang tingin kay Izzy. "Ano 'to?"

"Inatake lang naman ako ng girlfriend mo nung gabi na nasa Rue Bourbon tayo." Sagot niya.

"Fiancé."

"What?!" Mariing tanong ni Izzy.

"Cassie is my fiancé. And you have no right to accuse her of such craziness."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon