Jamie's POV
•
Pumunta agad ako sa RAD! kahit na hindi ko alam kung makikita ko ba doon si Cassie.
Bahala na. Wala namang mawawala sa pagbabaka-sakali ko.
Sinalubong ako ng gulat na mukha ni Jared.
Agad niya akong niyakap. "Jaime, shit! Anong nangyari sa'yo? Saan ka galing? Ang tagal mong nawala!"
"Saka na tayo mag-usap, pre. Nandito ba si Cassie?" Tanong ko.
"Oo, nandun siya sa office ni Sir JM."
Nagmadali akong tumakbo papunta doon.
Bigla akong nanigas sa sobrang kaba ng marating ko ang pintuan ng opisina ni Jules.
Na-miss kaya ako ni Cassie?
Nahintay niya kaya ako?
Mahal niya pa kaya ako?
Halu-halong thoughts ang tumatakbo sa isip ko.
Hawak ko na ang doorknob, pero hindi ko magawang pihitin ito para buksan.
Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa doorknob nito.
Nakatalikod si Cassie.
"Sige, Jules. Tatawagan na lang kit--" Sumalpok siya sa akin pagharap niya dahil lalabas na sana siya.
Nang makita ako ni Cassie ay bigla niya akong niyakap at humagulgol sa aking dibdib.
Matapos ang ilang sandali ay hinampas naman niya ako ng paulit-ulit.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit ang tagal mong nawala? Bakit hindi ka man lang tumawag? Nakakainis ka! Pinag-alala mo ako ng sobra. Gabi-gabi akong umiiyak bago matulog dahil sa'yo. Ano ba, Jaime? Magsalita ka nam--"
Bago pa man siya matapos sa pagsasalita ay pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghalik sa kaniyang labi.
Grabe. Na-miss ko 'to ng sobra.
Tumugon naman si Cassie sa paghalik ko. Hinawakan niya ang aking mukha at pumikit sandali.
I saw a sign of relief on her beautiful face.
Hinalikan ko siya sa noo.
"I'm so sorry, baby." Mahinang sabi ko.
Dumilat siya at lumuhang muli. Sabay hampas ng malakas sa dibdib ko.
"Aray naman!"
"Saan ka ba kasi nanggaling? Bakit ang tagal mong nawala?!"
"Teka, teka. Pwedeng pumasok muna tayo sa para makapag-paliwanag ako?"
"Musta, brad?" Nakangiting bati ko kay Jules pagpasok namin sa opisina.
"Musta? Tangina mo! Halos hindi kami makatulog ng maayos kakahanap sa'yo!"
Lumapit ako kay Jules at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you too, Juju."
"Fuck you!" Gumanti siya sa yakap ko.
"Na-miss din kita, gago."
Napangiti naman ako sa narinig.
"Ano bang nangyari sa'yo ha? Tangina, Jaime. Halos isang taon kang nawala."
Umupo ako sa sofa. Tumabi naman si Cassie sa akin at inakbayan ko siya.
"Naks sa upgrade ha. May sofa ka na sa office ngayon." Natatawang komento ko habang hinihimas ang itim na leather couch.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomansaIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...