Jaime's POV
•
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Cassie.
"May date nga tayo dahil birthday ko. Hmm.. Birthday date."
"Birthdate!"
"Uy. Gusto ko 'yan! Ang witty."
"Well.." At binigyan niya ako ng smug look.
Hay. Ang cute talaga ni Cassie kahit anong facial expression pa ang gawin niya. At hindi lang siya basta cute, napakaganda niya talaga. Inside and out.
"So saan nga tayo pupunta?" Muling tanong niya.
"Hindi ba pwedeng surprise na lang muna?"
"Na-surprise na nga ako kanina sa Jollibee, eh! Hindi mo man lang ako sinabihan na birthday mo pala ngayong araw!" Naghintay ako ng suntok, hampas, o kurot pero wala siyang ibinigay.
"Sana nabigyan man lang kita ng gift." Bulong ni Cassie.
"Hindi naman ako naghahangad ng materyal na bagay. Okay na sa akin yung ganito."
"Anong ganito?"
"Ganito. Yung magkasama tayo. Salamat kasi pumayag ka."
"Technically, hindi ako pumayag. Hinatak mo ako palabas ng Jollibee tapos isinakay mo ako dito sa kotse. Kidnapping 'to, Jaime."
"Sus. Willing victim ka naman." Biro ko.
Napailag ako ng bahagya dahil inaasahan kong hahampasin niya ako pero wala talaga. Ngumiti lang siya sa akin.
This is so strange. Naninibago ako.
O tinigilan lang muna niya ang pagiging brutal sa akin ngayon dahil birthday ko?
"Paano mo pala nahiram kay Sir JM itong sasakyan niya?" Tanong ni Cassie.
"Regalo daw niya sa akin dahil isa akong mabuting empleyado."
"Halos lahat naman mabuting empleyado ah? Ang lakas mo kay Sir. Ikaw pa lang yata ang pinahiram niya nito."
"Kung anu-ano kayang random ang pinapagawa niya sa akin sa work. Dapat lang talaga na pahiramin niya ako."
"Ang shala niya, oh!"
"Ganun talaga." Lumingon ako saglit sa kaniya para kindatan siya.
Nako, Cassie. Kung alam mo lang. Full tank ng gas ang kapalit nito. Tapos napilitan pa akong pahiramin si Jules ng Dodge Charger ko ng isang linggo. Ang laki ng kapalit di ba? Alam ni Jules na hindi ako basta-basta nagpapagamit ng sasakyan ko, nag-take advantage lang siya sa sitwasyon at wala na akong nagawa. Hindi pwedeng yung akin ang gamitin ko, eh. Nakita na kasi ni Cassie 'yun sa parking lot ng RAD! kaya siguradong magtataka siya. Or worse, baka isipin pa niyang ninakaw ko yung sasakyan. Hahahahaha!
"Teka. SLEX ba 'to? Saan mo ba talaga ako dadalhin?!" Tanong ni Cassie.
"Kung makapagtanong ka naman parang may masama akong binabalak sa'yo." Natatawa kong sagot. "Sa Tagaytay po ang punta natin, Ma'am."
"Ang layo naman!"
"Ayaw mo ba? Gusto mo sa iba na lang tayo pumunta?"
"Birthday mo ngayon kaya pagbibigyan kita. Push mo na kung saan mo gusto."
"Talaga?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Besides, ikaw ang nagmamaneho. May magagawa ba ako kung dalhin mo man ako kung saan?"
"Wala." Nginisian ko siya.
"Kitams. Ikaw na ang bahala. Mukhang may plano ka naman na, eh."
Tumahimik na lang siya at tumingin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...