Cassie's POV
•
"Pa'nong hindi ganun ang nangyari?! Nagising ako na wala nang cash sa wallet. Hindi ba pagnanakaw na matatawag 'yun?!" Galit na sabi ni Sir JM.
Kinalabit ko si Jaime na mukhang amused na amused sa nangyayari samantalang ako ay naguguluhan dito.
Humingi ako ng explanation sa kaniya at pabulong naman siyang nag-kwento dahil ayaw niyang maistorbo ang pagbabangayan nila Sir JM at Stacey.
"Nung college kasi, may isang sem break na nag-travel kami nila Jules sa US. Sa New York, specifically. Bigla na lang nawala si Jules sa isang tinambayan namin na bar. May nakilala na palang chicks, di man lang nagsabi na aalis siya. Eh di umuwi na lang kami ni Izzy sa hotel. Tapos kinabukasan, bumalik si Jules sa hotel namin na pawis na pawis. Naglakad lang daw siya kasi nilimas ng naka-one night stand niya ang cash niya."
"Wala siyang dalang credit card?"
"Wala. Nasa akin lagi ang mga cards namin, pati passports ako ang may hawak. Lahat ng mahahalaga nasa akin."
"Eh bakit hindi na lang siya tumawag para magpasundo?"
Napatawa si Jaime. "Lowbatt yung phone niya."
Natatawa rin ako pero pinipigilan ko lang. "Ang malas naman ni Sir nun."
Tumango-tango naman si Jaime. "Maharot kasi siya, eh. Ang usapan namin magba-bonding kami. Eh wala, iniwan niya kami ni Izzy. Karma niya 'yun."
Nagsisigawan parin yung dalawa.
"Awatin na natin?" Tanong ni Jaime.
"Eh di ikaw ang umawat. Idea mo 'yan, eh." Natatawa kong tugon.
Napangiti at napailing na lang siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay pumagitna na kina Sir JM at Stacey.
"Oh, tama na, tama na. Pag-usapan natin ng mahinahon 'to." Anunsyo ni Jaime.
Pinaupo niya ang dalawa sa magkalayong sofa pero nakaharap sila sa isa't-isa.
"Okay, ganito ang mangyayari. Magtatanong si Jules ng isang question, sasagutin ni Stacey and vice versa. Bigyan niyo ng chance ang isa't-isa na maipaliwanag ang mga side niyo. Ayos ba 'yun?"
Tumango naman sila tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ni Jaime. Nag-coin toss siya para malaman kung sino ang unang magtatanong.
Para fair nga naman. Baka magreklamo pa, eh.
Si Stacey ang una.
"Anong tunay na pangalan mo?" Tanong niya kay Sir JM.
"Jules ang tawag sa akin ng mga close friends ko. JM ang tawag nila Cassie sa akin sa work."
"Tunay na pangalan daw, Jules." Pang-aasar ni Jaime.
"Bakit? Ano bang pagpapakilala sa'yo ni Sir JM noon?" Tanong ko.
"Alejandro."
Pinipigilan ko ang sarili na tumawa pero si Jaime ang nagsimula kaya nahawa narin kami ni Stacey.
Napuno ng mga halakhak ang sala.
"Seryoso, Jules? Saan galing 'yun?!" Tanong ni Jaime na nakahawak pa sa tiyan dahil sumakit na ito mula sa kakatawa niya.
"Yung kanta ni Lady Gaga ang tumutugtog nung dumating tayo sa bar, eh!"
"Anong name naman ang pakilala ni Stacey?" Tanong ko.
"Rose." Sagot ni Sir JM.
"Kasi yung wine na Rosé ang iniinom ko nun." Paliwanag ni Stacey.
"Bakit kasi kailangan may code names pa?" Tanong ni Jaime kay Sir JM.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...