Chapter 41: Happiest Place On Earth

198 8 0
                                    

Jaime's POV

"Why?" Tanong ni Jules.

"Kasi it's not your place. Huwag kang mag-meddle."

"Pero Jaime sayang naman kasi. Ayan na siya, oh. Ayan na yung woman of my dreams tapos ano, wala lang akong gagawin? Maghihintay lang talaga ako?"

"Sure ka na ba dyan? Malay mo may ibang babae pang nakalaan para sa'yo. Yung walang sabit."

"Wait. Ayaw mo ba kay Stacey? Hindi ka ba boto sa kaniya?"

"Cool naman si Stacey sakin. Pero hindi ko siya nakikita sa front porch."

Natigilan siya sa sinabi ko.

Para sa mga curious dyan, ang front porch test ay something na nakuha namin ni Jules sa panonood ng series na How I Met Your Mother.

Imagine Jules and I, growing old together, nasa front porch ng either bahay niya or bahay ko. 70+ years old kami.

Kapag na-envision namin na yung significant other ng isa't-isa ay kasama namin doon sa front porch, it's a good sign.

She may be the one.

Buang ba kami para maniwala sa ganyan?

Siguro.

Walang basagan ng trip.

Hahahahaha!

"Tsaka complicated na naman 'yan, Jules. Mas tinitigasan ka ba sa babaeng may kasamang drama?" Natatawang sabi ko.

"Ang gago talaga nito."

"Sabi mo nga di ba, the heart wants what it wants. Hindi ko mapigilan, J." Dugtong niya.

"Yung heart mo naman kasi bigla nalang pinipili kung sinong unang makita. Minsan gamitin mo rin ang utak mo. May reason kung bakit naka-pwesto ng mas mataas ang utak kesa sa puso." Seryosong sabi ko.

"Wow, ah. Just wow."

Tila nainis siya sa narinig.

"Alam mo Jaime, madali para sa'yo na sabihin 'yan, eh. Kasi yung gusto mo, gusto ka rin. Si Cassie perfect, ikaw perfect. Kayo na ang perfect."

"Woah, man. Where is this coming from? I'm not the enemy here."

"Whatever, Jaime. I just thought you'd be more supportive. You're the one who brought me here in the first place."

"Well, yes. That was before I knew--" Napatigil ako.

Oh, shit.

"Knew what, J? What??"

"Wala. Nevermind."

"You fucking know something!"

"Jules, just. Stop it."

"Kung may alam ka, sabihin mo sa akin. Huwag mo akong pinagmumukhang tanga!"

"Huwag ka sakin magalit. Wala akong ginawa sa'yo."

Napabuntong hininga ako ng malakas.

"Jules, nag-usap na ba kayo ni Stacey? Yung talagang usap. Masinsinan na usap." Tanong ko.

"Nag-usap kami kahapon nung dumating tayo pero very brief lang."

"Anong napag-usapan niyo?"

"Sinabi ko na gusto kong kausapin yung asawa niya. Gusto kong i-ask siya na pirmahan na yung divorce papers nila para makalaya na si Stacey sa kaniya."

"And how did she react?"

"Ayaw nga niya, eh. Hayaan ko daw na siya ang mag-ayos ng sarili niyang buhay."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon