Jaime's POV
•
"Cassie, since nasa Tagaytay naman tayo at malapit na lang din 'to sa amin, uuwi muna ako sa Laguna. Pupuntahan ko lang si Mama."
"Okay, sige. Mag-ingat ka. I-text or tawagan mo ako kapag nandun ka na ha?"
"Yes, boss!" Nakangiting sabi ko.
Pasakay na sila ng van pabalik sa Makati. Hindi ko pinagamit yung bus. Peste talaga si Jules, eh. Hindi pa nga pala kami tapos mag-usap tungkol dito.
"Jaime.."
"Yes, Cassiemylovemybabylove?"
"Ano?!"
"Wala. Haha! Bakit?"
"Kausapin mo si Greg pagbalik mo ha? Parang magkakapamilya narin tayong lahat. Hindi pwedeng hayaan na lang na may misunderstanding kayo. Huwag mong patagalin 'yan."
Medyo nainis ako sa sinabi niya. "Bakit ako ang kailangang kumausap eh siya itong nauna? Nakisama ako ng maayos sa lahat tapos ako pa ang naging masama sa paningin niya? Problema ko pa ba 'yun?"
"Mataas ang pride ni Greg, hindi siya lalapit sa'yo. Ikaw na ang magpakumbaba dahil ikaw naman ang mas nakakaintindi."
"Eh pa'no kung ayoko ring intindihin ang sitwasyon? Ayokong lumapit. Alam ko naman na wala akong ginawang mali, eh."
Tiningnan lang ako ni Cassie ng masama.
Kinakabahan ako kapag ganyan siya. Ayoko kasi na nagagalit siya sa akin, eh.
"Sige, sige. Pag-iisipan ko." Sabi ko kay Cassie.
"Huwag mong pag-isipan, gawin mo."
Aba! Kung makautos sa akin, wagas.
Hi, ako si Jaime De Castro-Branagh. I'm actually your boss.
Sarap sabihan ng ganito, eh.
Hahahahahaha!
Nag-hug ako kay Cassie bago sila umalis at hinalikan ko rin siya sa pisngi.
Nakatayo lang kami ni Jules sa may front yard ng bahay habang hinihintay ang sinasakyang van nila Cassie na makalayo.
"1.. 2.. 3.."
"Anong binibilang mo?" Tanong ni Jules.
"Kapag nakarating ako ng 5, kakagatin kita."
"Shit!" At bigla na lang siyang tumakbo.
Hinabol ko naman si Jules na papasok sa main door.
Natapilok siya sa may pinto kaya siya napadapa. Dinaganan ko naman agad at kinagat siya sa kanang braso.
"Para 'to sa pag-gamit ng bus ko ng walang paalam!"
"Aray, Jaime!!! Ayoko na!!!"
Kinagat ko rin siya sa may balikat. "Para naman 'to sa pagsasabi sa mga RAD! employees na magpapakita ako sa kanila soon!"
"Manang!!! Help!!!" Sigaw ni Jules.
Agad namang dumating si Manang Elsa para awatin ako. Humiga ako sa sahig at si Jules naman ay mabilis na lumayo sa akin.
"Bubu! Tingnan mo 'tong kagat mo kay Jules, oh. Nagsugat na agad." Sabi ni Manang habang chine-check ang kagat ko sa braso ni Julilit. "Ano na naman bang pinagtatalunan niyo?"
"Naghihimutok parin siya dahil sa bus." Sabi ni Jules habang hinihimas-himas ang kagat ko sa balikat niya.
Binili ko ang bus na 'yun para sa amin ni Cassie. Sanabi ko kasi sa sarili ko na 'yun ang gagamitin namin pang-travel kapag naging kami na.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...