Jaime's POV
•
"Alam ba ni Samson na ako ang sumapak sa anak niya?" Tanong ko kay Jules.
"Hindi ko naman sinabi."
"Good. Ako na ang bahala."
"Dapat lang! Gulo mo 'yan, eh."
Palabas na sana ako ng office ni Jules ng may maalala ako.
"Jules.."
"Ano?"
"Pahiram ng kotse. Hehe."
"Tangina. Nag-eenjoy ka sa pag-gamit ng akin, ah!"
"Sige na. Love mo naman ako, eh." Nakangiti kong tugon.
Hinagis naman niya sa akin ang susi niya. "Full tank pagbalik ha."
"The fuck? Ang lapit lang naman ng pupuntahan ko, full tank agad ang kapalit?!"
Kinuha ni Jules ang cellphone niya at nagkunwaring may tinatawagan. "Uncle Nick, si Jaime.."
Tiningnan ko siya ng masama. Ngiting tagumpay naman siya sa akin.
"Kakarmahin ka rin sa ginagawa mo sa best friend mo." At binuksan ko na ang pintuan ng office niya. Bago ako makalabas, lumingon akong muli kay Jules. "Mabasted ka sana ni Kristine." Sabay evil laugh at sarado ng pinto.
Narinig ko pa si Jules na tinawag akong gago.
Hahahahahahaha!
Hahanapin ko muna si Cassie. Magpapaalam lang ako sa kaniya.
Nakasalubong ko siya na pababa mula sa VIP area.
"May tao na dyan?" Tanong ko.
"Wala pa pero may naka-schedule sa guest list ngayon."
"Lalabas muna ako, baby." Kinilig ako pagkatapos kong sabihin 'yan. F na F kong tawagin siya na baby, eh. Bakit ba.
"Saan ka pupunta?"
"Kay Atty. Samson. Makikipag-usap ako tungkol dun sa incident na nangyari involving his son."
"Magbihis ka kaya muna para mas disente ka tingnan?"
Polo shirt na black at jeans lang kasi ang "uniform" ko dito sa RAD!.
"Disente naman ang suot ko, ah? Di naman kita yung cleavage ko or kung ano."
"Baliw ka talaga!"
"Baliw sa'yo." Sabay wink.
Ehehehehehe! Napangiti din naman si Cassie. Kinilig din siya malamang.
"Jaime, mag-ingat ka ha?"
"Tatawagan na lang kita mula sa presinto kapag ikukulong na ako."
Tiningnan niya ako ng masama. Napangiti naman ako.
"Joke lang, baby. Ikaw naman. Hindi nila ako ikukulong. Hindi naman kasi krimen ang pagiging sobrang gwapo."
Umarte naman si Cassie na parang matutumba siya. "Ay, ano ba 'yan! Matatangay yata ako ng malakas na hangin!"
Tumawa lang kaming dalawa.
"Kiss mo naman ako for good luck, oh." Biro ko.
Lumapit naman si Cassie sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Shit! Muntik nang malaglag ang panty ko sa kilig.
Hahahahahahaha!
Nagpaalam na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad palabas ng club.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...