Cassie's POV
•
Bago kami umuwi kaninang umaga ay nagkayayaan ang buong team na tumambay sa basketball court na malapit sa lokasyon ng RAD!.
"Team building narin, Ma'am!" Ika nga ni Mike. Isa sa mga lumang empleyado.
Nag-volunteer ang iba na magdala ng pagkain para sabay-sabay narin daw kaming mag-lunch.
Nagluto ako ng Carbonara na aking specialty.
Si Grace, ang aking closest friend sa trabaho ay nagdala naman ng Pansit. Si Gary ay may dalang barbeque at isaw na inutang pa daw niya sa paninda ng kaniyang ina. Ang magkapatid na sina Greg at Bradley ay nagdala ng sandwiches. Si Mike naman ay nagdala ng Adobong Manok.
"Walang nakaisip magdala ng kanin?" Tanong ni Mike.
"Timang ka ba? Sino naman ang makakaisip na magdala ng kanin lang?" Pangbabara ni Greg.
"Tsaka hindi ka naman nagsabi na magdadala ka ng ulam, eh!" Gatong naman ni Bradley.
"Eh di papakin na lang! Wala namang masama dun. Kung gusto mo, ipalaman mo pa sa sandwich nung magkapatid, eh." Biro ni Grace.
Nagsabi na ang iba na hindi sila makakapagdala ng pagkain dahil short daw sila sa panggastos. Pamilya narin ang turingan namin sa isa't-isa kaya wala namang problema dun.
Umupo muna ako sa bleachers. Halos lahat kami ay nandito na sa basketball court. Inilibot ko ang mga mata sa paligid na tila may hinahanap.
"Huy! Sinong hinahanap mo?" Nakakagulat naman 'tong si Grace. Bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Si Jaime, eh. Wala pa dito."
"Uyyy! Hinihintay niyaaa.."
"Ha? Hindi ah! Nagkataon lang na nag-head count ako tapos kulang."
"Ay sus! Hindi mo naman kailangan mag-deny sa akin, besh. Type mo ba si Papi?"
"Papi?"
"Papi Jaime. Wala lang. Parang bagay ang 'Papi' sa kaniya, eh."
"Ewan ko sa'yo, Grace." Singhal ko.
"OMG, besh! Kaya ba NBSB ka? Kasi bam bam ang bet mo?" Napahawak pa siya sa dibdib na akala mo nagulat ng husto. "Okay lang 'yan, Cassie. I don't judge. The heart wants what it wants, right?" Kinindatan pa ako.
"Anong bam bam?"
"Tangina naman, besh. Parang hindi ka millenial, eh. Bam bam. Shiboli bam bam!" Pagpapaliwanag niya. "Ang gwapo niya naman talaga, eh. Kaso hindi tunay na lalaki. Sayang." Dagdag pa nito.
Tumaas ang kilay ko.
"At bakit mo naman nasabing sayang? Hindi nga siya tunay na lalaki pero mas mukhang karespe-respeto naman siya kumpara sa iba. Tsaka nakikita ko naman na mabuti siyang tao. Oo, wala nga siyang formal na education. Pero kahit na saglit palang kaming nagkakatrabaho ng magkasama, naniniwala talaga akong matalino siya."
Ang weird ni Grace ngayon dahil nakangiti lang siya sa akin matapos kong magsalita.
"What?!"
"So pasok siya sa standards mo?" Nakatingin sa akin si Grace ngayon ng nakakaloko. Hindi naman ako sumagot at tiningnan lang siya ng masama.
"Speaking of the very handsome devil, ayan na ang Papi mo, besh." Nakangising sabi ni Grace.
"Tigilan mo nga ako!" At hinampas ko siya sa hita.
Papalapit na sa amin si Jaime na puro drinks naman ang dala. Nag-alangan pa ako kung sasalubungin ko siya para tulungan sa mga bitbit. Kaso naisip ko naman na kapag ginawa ko 'yun, aasarin ako nitong si Grace. Tsaka medyo malaki naman ang katawan ni Jaime. Kaya na niya 'yan.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...