Chapter 38: Have A Break, Have A KitKat

1.3K 45 64
                                    

Jamie's POV

Inabutan ko sina Cassie at Jules sa may kusina.

Antok na antok pa ang mga itsura.

Totoo talaga na makikita mo ang tunay na itsura ng isang tao sa umaga, kapag bagong gising palang.

Mukhang halimaw.

Charot!

Nagtitimpla ng kape si Jules habang si Cassie naman ay nagpapahid ng peanut butter sa tinapay.

"Ano na? Ang babagal niyo naman kumilos!" Singhal ko sa kanila.

"Bakit ba madaling-madali ka? Ang aga-aga pa, Sakarias! Sabi mo alas-otso ang flight natin, alas tres palang ng umaga!!! Matulog ka nga muna kesa pinepeste mo kami!" Sigaw sa akin ni Jules.

"Baby, nakatulog ka ba?" Tanong sa akin ni Cassie.

"Hindi. Sobrang hyped kasi ako." At tumawa ako ng malakas.

"Matulog ka muna kaya? Hindi ka rin naman tutulong dito. Lahat naman ng gusto mong food, kay Manang Elsa mo pinaluto."

"Ayokong matulog. Sleep is for the weak!!!"

"Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita."

"Jusmio, Cassandra. Tingnan mo nga ang energy level ng damuhong 'yan. Tapos bibigyan mo pa ng kape?!" Komento ni Jules.

"Hindi ko kailangan ng kape. Coffee is for the weak!!!" Masigla kong sabi with matching action pa na parang nag-Super Saiyan.

Napa-face palm na lang yung dalawa.

Ang tagal bago ko sila napapayag na mag-travel kami.

Una, natatakot sila dahil baka may mangyari na naman na kakaiba.

Baka mawala na naman ako.

O baka may kontrabida na naman na sumira sa mga plano namin.

Ang kulay ng buhay ko 'no?

LGBT nga naman talaga. Rainbow.

Hahahahahaha!

Pangalawa, kinailangan kong bumawi muna kina Jules at Cassie.

Dahil sa halos isang taon kong pagkawala, nahirapan sila na i-handle ang RAD! at MCDC ng sabay.

Alam kong napagod sila ng husto.

Pangatlo...

Wala na pala. Hanggang dalawa lang.

Hahahahahaha!

"Ano ba naman 'yan. Hindi ba kayo excited? Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan tayo huling nag-unwind. Deserve natin 'to, kapalit ng lahat ng hardwork na ginawa natin nung mga nakakalipas na buwan." Mariin kong sabi.

"Sabi nga sa commercial, have a break, have a KitKat." Dugtong ko pa.

"You do make a good point, Jaime. Minsan may sense ka rin." Natatawang sabi ni Jules.

"Life moves pretty fast. If you don't stop and look around every once in a while, you could miss it." Seryosong sabi ko sa kanila.

"Teka, teka. Alam ko 'yan. Galing sa movie 'yan." Kunut-noong sabi ni Jules habang malalim na nag-iisip.

"Sige, Juju. Kapag nahulaan mo, ililibre kita sa Jollibee." Paghahamon ko.

"Jusko! Jollibee lang? Ang cheap mo talaga, Sakarias."

"Eh saan mo ba gusto? McDo?" At tumawa ako ng malakas.

"Kung sa fast food mo lang din naman ako dadalhin, huwag na. No, thank you."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon