Chapter 2: First Day

5.3K 171 2
                                    

Cassie's POV

Maaga akong pumasok dahil ipapasa ko pa kay Sir JM ang lahat ng mga resumes ng applicants na tinanggap ko kahapon para ma-review din niya. Naglalakad na ako patungo sa RAD! ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Pag-check ko dito ay may text mula kay Sir JM.

Cassandra, I will be late for a few hours. Start by briefing the new applicants regarding the work we do around the club. You can give them a tour as well. Thanks.

Ayaw niya na late dumarating ang mga empleyado tapos siya itong late ngayon. Tss. Hindi naman ako galit, bihira din namang maging ganyan si Sir. Siguro ay may importante lang talaga siyang lakad.

"Ma'am Cassie!!!"

Nagpanting ang tenga ko sa lakas ng boses ng tumawag sa akin na nasa may likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Jaime. Kumakaway-kaway pa habang tumatakbo. Tumigil naman ako para maabutan niya ako sa paglalakad. Hingal na hingal siya ng makarating sa akin.

"Bakit kasi kailangan pang tumakbo?" Tanong ko.

"Exercise. Haha! Eh malamang para maabutan kita kaya ako tumakbo."

"Tumigil na nga ako sa paglalakad para hintayin ka di ba?"

"Ayokong pinaghihintay ka, eh."

Itong mokong na 'to talaga. Nagawa pang bumanat kahit kinakapos na ng hininga.

"Rosey cheeks ba talaga 'yan o nag-bblush ka na naman?" Biro niya sa akin.

"Tigilan mo nga ako! Bakit ang aga mo dito?"

"Tingnan mo 'to, ang labo din. Di ba sinabi mo kahapon na pumasok ako ng maaga dahil ayaw ni Sir Jules ng empleyadong late?"

"JM."

"Ha?"

"Sir JM. Hindi Jules."

"Pareho lang 'yun."

"Abnoy ka. Baka magalit siya kapag tinawag mo ng maling pangalan."

"Hindi magagalit 'yun sa akin."

"Sigurado ka?"

"Oo. Kasi charming ako, eh. Walang nagagalit sa akin." At nag-beautiful eyes pa siya sa harap ko.

Kainis! Ang cute nga naman talaga. Parang kahit ako hindi magagawang magalit sa kaniya.

"Ma'am, anong gagawin natin ngayon? Anong station ko? Sa bar, table service, or sa reception sa may entrance?" Tanong ni Jaime.

"May experience ka sa lahat ng stations?"

"Hah! Hindi mo talaga binasa ang resume ko 'no? Paano kung wala pala akong alam sa mga 'yan?"

Napatakip naman ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Hindi ko na naisip pang i-scan ang resume niya kagabi. Basta nagtiwala na lang ako. May alam naman siguro siya. Nabanggit nga niya ang mga 'yan, eh. Malamang ay pinag-titripan lang ako nito.

"Si Sir JM ang mag-aassign kung saang station ka."

Hindi naman siya sumagot at tumango na lang.

Nandito na kami sa loob ng RAD! ngayon. Itong kasama ko naman, parang bata. Paikot-ikot ang tingin sa paligid na para bang amazed na amazed. Hindi ko din naman siya masisi. Maganda talaga ang interior nitong club.

"WOW." Usal niya.

"Ang cool 'no? Sabi ni Sir JM, yung may-ari mismo ang nag-design nito."

"I-tour mo naman ako dito, Ma'am!"

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon